Friday, February 21, 2014

Kapag Tula

Puto't Dinuguan. 
Kapag tula ba 
Kailangan laging tugma? 
Kapag tugma, 
Di rin naman laging tula ah. 

Kabaong at Paranyaque: 
Kapag tula 
Kailangan parating may sukat? 
Kapag sukat, 
Di rin naman laging may tula. 

Insyurans at Ninoy, 
Kapag tula 
Agad-agad pag-ibig at lungkot? 
Pwede bang nakakatawa naman? 
Krimen sa bansa, bumaba! 

Kapag tula 
Laging maganda ang dulo? 
Hindi rin. 
Para kina Tin, Ara, at Ana. 



Nalathala sa Lagalag: Ikalawang Hakbang.

No comments: