Lover's Quarrel.
Ops.Ops.Ops. Lilinawin ko lang, hindi ko po balak lumebel kay Sir Ramon Bautista pagdating sa pagpapayo sa pag-ibig. Wala ring balak sapawan si Papa Jack. Mas lalong ayokong kabugin ang bob-ong-love-qoutes na mariing tinatanggi ni Bob.
Wala naman sigurong masama na talakayin ang isang usapin ukol sa hashtag-pag-ibig.
Nabanggit ko na rin naman ang mga qoutes-qoutes na yan, lately; kumakalat ang mga love qoutes na mula raw sa Reader's Digest. At nito nga lang din ay bumili ako ng isyu just to verify. Pero wala, wala silang ganung section! G-R-R as in grrraaabe, ginagamit ang isang established publication para lagyan ng intelektwal na bihis ang mga kaartehan sa buhay. Yah ,Diver? So arte. Ang shif.
Apat sa 5 nag-e-LQ ay magsyota. Yung isa unoficially theirs pa lang pero nag-aaway na. Kadalasan naman talaga ang abv. na LQ ay associated sa magsyota. Ito nga siguro yung nagaganap sa namataan kong naka-couple shirt sa isang bantog na fastfood chain.
Walang kumikibo sa burger, fries, at drinks. Hindi nag-uusap. Ni walang tinginan. Tumutuktok lang yung daliri ng lalaki sa mesa. Sina-silent treatment nung girl si boy o nagmemental telepathy sila. Ewan.
Sa kinikilos nung dalawa, mukhang yung guy ang may atraso. Siya ang nakatungo at hindi makatingin ng deretso sa girl. Ano bang pwedeng pag-awayan ng mag-jowa? Sa akda ni Pusa na 'Status: Flirting Lemeng' ay naghanay siya ng ilang palatandaan na ang boyfie mo ay approaching zero-visibility. Ito ang ss:
1. He rarely texts you.
2. He answers monosylabically or just sags his shoulders when being asked.
3. He has more time in computer games.
4. He avoids eye contacts.
5. He always checks his watch when you're together.
Marami pang maaaring dahilan para maging mitsa ng LQ na siyang pinakanakakastress na social conflict ng youth of today.
Umiiyak na ata si gurl. Hala. Inaalo na ng boyfie ang gurl dahil anytime ay pwedeng pagkamalang hinoholdap niya ito. Minsan sa isang kwek-kwek time namin nina Roy, tinanong ko siya kung bakit yung magjojowa away ng away tapos mag-aamuan din naman. Dapat sana iniiwasan din nilang mag-quarrel para sa ganun naiiwasan ko ding makita yung mga bitter status nila sa newsfeeds ko. Nakaka-bad vibes kaya. Sabi ni Roy ganun daw talaga, LQ ang nagpapatibay ng relasyon. So? Kaya away ng away para tumibay? Ah, ewan!
Nagwalk-out na si crying lady at dahil mukhang nakapagworkshop siya at epektibo ang drama niya ay hinabol siya ng boyfie niya. Umuga pa ang lamesa. Tumingin ako sa paligid kung may camera, baka kasi may shooting lang pero wala. Reality show pala talaga.
Naiwan ang burger na walang kurot, ang mamantikang fries, at bumubulang softdrinks.
Napalunok ako...
No comments:
Post a Comment