Nagseserye kami ng LCM (Love.Courtship.Marriage.) sa Sunday School simula ng pagpasok ng Pebrero. Ito na ata ang pinakamakulay at pinakamasayang sunday school course. Lahat napapangiti, napapahalakhak, at napapapalakpak pa kung minsan. Halo-halo nga kasing kulay, may kilig, may babala, may aminan, kulitan, at may kulay rin ng ka-cornihan para sa ilan. Lahat kasi ng usapin ay iikot lang sa walang kamatayang slum note-question na "what is love?". At naturalmente batayang aklat ang panitikan ng pag-ibig -Bible.
Opkors my dear ang layunin nito ay hindi lang magpasigla ng panglingguhang klase o maki-peg lang dahil Pebrero, bagkos ay maitama ang mga nalilikung kaisipan naming mga kabataan ukol sa pag-ibig. Sa dami kasi ng love experts sa radyo, teen-oriented programs, at .Txt files mula sa Wattpad na bluetooth away lang; ay nalilihis ang konsepto ng pag-ibig. Marami-rami ng sumablay rito at nakaka-alarma na ang istatistika ng mga kabataang nagpapamilya ng hindi pa panahon. Hindi kasi naiwawasto ang kaisipan kaya namamali rin ang mga hakbang.
Marami ng ibat-ibang status quo ngayon. Nalaos na yun. M.U.(Mutual Understanding) at It's Complicated. Ngayon, mas activity-specific na ang statuses:
COCOL-Coffee Coffee Lang
HOHOL-Hang Out Hang Out Lang
MOMOL-Make Out Make Out Lang
MOMOWL-Make Out Make Out With Love (or Lust)
Walang masama sa dalawang unang nabanggit pero may danger kung dalawa lang kayo dahil baka mauwi rin kayo sa make-out status na kung saan ay may involve na kissing at necking. Friends with benefits kung sa kanluranin. Ayon sa Istatistiks ay 34% ng mga Pilipinong kabataan ang sumubok na ng pre-marital sex. Naniniwala akong ang early pregnancy ang isang malaking nag-aambag sa paglobo ng populasyon. Kung may Sunday School lang sila.
Hindi ko sinasabing may absolute na kalinisan kapag nagSunday School. Iba kasi kung may wastong pananaw at gabay.
Kaya dapat may guidelines at standards ang dating.
Ano nga ga ang Dating? Ano ang Daan to Dating?
Ang Dating ay wala raw ibig-sabihin, so hindi siy1 madedefine. Keme lang, ang dating ay GTKY-stage o Getting to know you (yung ka-date mo), no string attachments kumbaga. Walang pangakong ligaw at lalo ng kasal. Bawal ang assumera. Fren-fren lang; ganan.
1 Corinthians 7:1
Now concerning the things whereof ye wrote unto me: It is good for a man not to touch a woman.
- King James Bible "Authorized Version",
Pointers to Review in Dating:
1. Kambing sa kambing. Tupa sa tupa. Wag kang mag-entertain ng salungat sa paniniwala mo dahil baka mauwi lang kayo sa doctrinal debate at makapanaksak ka pa ng tinidor in the end kapag napika ka. E dating lang naman? Kahit na, bangin na yan to unequally yoking sisilip ka pa, e kung malaglag ka?
2. Ipagpaalam sa magulang at sa pastor para pag hindi nakauwi ang anak nila, alam nila kung sino ipapa-blotter. Pagbibigay galang ito. Manners ba.
3. Isa-alang-alang ang pitaka. Kung kakain, mag-fine dining kung 5-6 digits ang sinusweldo kung 3 digits lang, mag-kwek-kwek. Ok fine na rin yon. Gastos ito para sa mga lalaki (investment daw sa ilan) at perks para sa mga babae. Pero pwede namang pre-arranged ang billing na KKB basta wag lang daw manlilibre ang babae sa lalaki. E panu kung gusto lang manlibre at maging blessing nung gurl sa ka-date niya? (Hindi ko alam kung may excemption)
4. Siguraduhing may trabaho bago makipag-date. At least, nakakatulong ka na sa family mo.
5. I-consider ang time at space bago magdate. Gaano ba kalayo yung meeting place? Baka makain yung time nyo. At bakit naman kayo maglalayo pa?
Gaano kalayo ang protection order sa isa't-isa? Mga 1m distance, safe na yun. Kung gusto nyo 10 meters? Go! Magsigawan o gumamit na lang kayo ng lata at pisi sa pag-uusap.
Time rin, gaano katagal? Hindi pwedeng masyadong matagal baka maka-abala ka sa iba pang activities ng ka-date mo. Kahit na sobrang saya nyo pa at tila ayaw nyo nang matapos ang sandali. Kapag naisip mo nato better go home.
6. Ang place kung saan mag-de-date. Bawal sa isang kwarto, no-no rin sa sinehan, lalong hindi pwede sa parallel universe. Find a place na hindi kayo madadaya ng mga puso nyo, yung safe. Sa police station o sa evacuation center. Exciting.
7. Activities should be set also, di pwedeng kung ano na lang ang magawa. Kailangan both of your interests. Magjam ng worship songs, magclassify ng mga damo sa park, manood ng paintings, magparamihan ng tricks na nagagawa sa lastiko; basta wholesome at enjoying. Bawal mag-trip to Jerusalem.
8. Kung hindi pa kayang mag-manage ng emotions, wag munang makipag-date. Baka mag-assume ka lang, ma-fall, at ma-hurt eventually. Humingi ka muna ng maturity.
9. Maging gentle man. Safest part daw na hawakan ang ka-date kung aalalayan mo siya ay sa siko. Wag sa tenga o sa kwelyo. Tandaan: Thou shalt not take advantage.
No comments:
Post a Comment