Mga tatlong taon na ang nakalipas, titikladahin na niya ang piyesa namin sa bass ng bigla siyang nagtanong: "Jord, may nagkaka-crush ba sayo sa school?"
Hindi ako sumagot. Siyempre, I would envoke my rights against self-incrimination.
Nito lang din, bigla na naman siyang nagtanong:
Ilang taon ka na nung last bertdey mo?
Tweny. Silent T.
Ooh, tweny...So do you have any crush? Pang-iintriga niya.
Sa bandang dulo na ng sulat ang sagot ko. Naka-attachment file as .Idd.
Itong sulat ay hindi talaga sinulat para sa cras-cras nayan. Sinulat ko to as entry para sa Unsent Letters na patimpalak sa Internet. Kaya lang tinamad akong mag-type, hayun hindi ko nga napadala.
Dear Crushee:
"Hi!"
'Yan sana yung sasabihin ko sayo nung nakasalubong kita kanina sa may lib. Isang morpema at ponema lang naman pero hindi ko nabitawan. Siguro dahil parati kitang nakakasalubong ng hindi ako handa. Hindi handang sirain ang snobby-image ko. Hindi rin naman handang masaktan sakaling isnabin mo lang ang bati ko.
Sa loob ng ilang segundong nasa harapan kita, wala akong makitang anuman sa mga mata mo. Parang test papers ko lang, madalas blanko. Wala man lang akong mahinuha kung na-imbyerna ka ba ngayong araw o kung sasagot o ngingiti man lang kapag binati kita.
Sa Fb pa lang kita nakitang nakangiti. Laking pasalamat ko nga kay Zuckerburg dahil pina-alwan niya ang buhay naming mga stalkers, hindi hindi admirer pala ako.
Kainis ka!(Sabay pikit at kagat sa labi). Kahit naka maong at plain top ka lang sa araw-araw, sa paningin ko parang kang naka-long gown at full make-up. Kung nagsabog nga ang MayKapal ng mata, ilong, pisngi, at labi; parang nakapamili ka at kung tatabi ako sayo mukhang naubusan. Pero hindi yun ganun, lahat tayo ay wonderfully at fearfully-made, kahit na yung iba ay mukhang fearfully; lahat tayo ay nakakamangha. Sa libo-libong taong nakakasalubong mo sa universiti, hindi talaga ako kapansin-pansin. Mukha, personalidad, porma, at talento; wala sa mga nabanggit ang maaaring tumatak sayo. Ayoko namang yung amoy ko pa ang makapagpa-alala sayo sakin.
Hindi ko man kamukha yung mga mapuputlang nasa K-POP, kahit papano marunong naman akong mag-Gangnam. Hindi man ako 'sing bangis ni Lolong, e marunong din naman akong magflip-top. Sana sa anumang paraan, masagap din ako ng radar mo. Iniisip ko kung isusulat ko pa yung "parang awa mo na" bilang pangwakas ng sulat; kaya lang parang masyado ka ng maganda nun.
Hayaan mo kong magtapos sa linyang baduy mula sa isang patalastas:
"Wala man akong mabigay na magarang bagay, tayo pa rin ang mas bagay na bagay."
Nag...(lalaway, hihintay);
Ako
Napag-isip ko lang na sayang din to kung hindi mapapakinabangan. Anong pakinabang?
Ayun, isang entry din siya sa buwan ng Pebrerong Ferero. Kung kelan naghahanap ang lahat ng puso-stuffs.
Ito ang payak na saot ko kay Mrs. D
Secret. Sabay pinaliit ang mata at tumingin ako sa piyesa. Wala akong nakitang mga nota. Bagkos isang mukha.
Isa rin siyang matibay na ebidensyang humahanga at normal pa nga akong tao.
Ito ang payak na saot ko kay Mrs. D
Secret. Sabay pinaliit ang mata at tumingin ako sa piyesa. Wala akong nakitang mga nota. Bagkos isang mukha.
No comments:
Post a Comment