Thursday, February 6, 2014

Para Kay Ate Tin: "Hindi Ako ang White Blood Cells Mo!"

Dearest Ate Tin;

   Dinaysek ka raw nung Linggo? Sabi ko ireserve sakin ang spare ribs. 

   Hindeee,seryoso: Anong diagnosis? Pasalamat ka kung hindi PRRS o Hemorrhagic Septicemea. Kung sa bagay, hindi masyadong akma sayo yung mga nabanggit, peracute kasi yung mga yon. Para lang sa mga katulad ko. 

   Kung makakasagot ka lang, alam kong ito ang sasabihin mo: "Breast cysts, G***!!!". Oo, alam ko naman. Ganyan talaga pag malamig ang panahon nagbubuo-buo ang mga cells natin sa katawan. (Kala mo mantika?) Opkors my dear, hindi ka maniniwala, sa talino mong yan. Para san pa ang mga taon nating pagkakaibigan kung hindi ka magiging matalino? Ang sagot ay para maging matalino ka. 

   Magulo ga? Hindi yan. Matalino tayo. Tayo ay matalino. Matalino sa aspetong nakikita ng marami. Mga ilan? Dalawa, sina Rodora at Perlita. Gayunman, may mga bagay talaga na hindi natin makuha ang mga 'bakit ganon' na kasagutan. Mga bagay na hindi dapat ipinagtatanong. Maaaring bagay na bunga ng pagtatanim natin ng hindi natin namamalayan. Ganan. 


   Kung babasahin mo ang Psl. 147 makikita mo ron na kapuri-puri ang karakter, kapangyarihan, kabutihan, and the like ng May Akda. May Akda ng buhay at ng mga cysts mo. Makikita mo sa mga salmo na siyang naglagay sa mga bitwin ay alam ang mga pangalan nito. Siyempre, kada titignan ko ang mga bituin; iniisip ko palaging hindi Niya yon nilagay at random na parang nag-eexperimental research. May dahilan Siya gaya ng paglalagay Niya sa mga bukol sa hinaharap mo. Pasalamat nga tayo't natanggal na. 

   Kung isusunod mo namang basahin ang Psl. 148 ay maaaring mapansin mong nananawagan ito ng lifestyle of praise. Na kahit ano mang kalagayan natin, hindi dapat tayo dapat nakakaligtang magpuri't magpasalamat. Pasalamat ka dahil nakakapangusap pa Siya sayo. Dati nangungusap Siya sa propeta, panaginip, mga senyales, pero ngayon ay maaari ng sa mga pangyayari sating mga buhay at sa 'manual' Niyang ayaw basahin ng marami. 

Napakasobrang talino raise to the infinite power ng Diyos natin. Kaya nga hindi natin siya ma-fully comprehend. Alam niya ang nakaraan natin. Patuloy na ginagawad ang ating kasalukuyan. Maging ang ating hinaharap ay kanya rin. Thus, may word na trust at faith. (Parang naconyo ako sa paragraph nato.) 


Mabuti nga sayo, 
Jord Earving Gadingan 

   Gagawa pa sana ako ng paper cranes kaya lang naisip ko na hindi pala ako marunong at hindi naman yon bahagi ng ating kultura. 

   Ipapadala ko na lang ito kay Katy, dahil una: Hindi ko alam kung saan ang puntod, Este-bahay mo. Pangalawa: kapos ako sa pananalapi sa ngayon. 


P.S. 
   Sakaling mauna akong ma-deadbol kesa sayo, pumunta ka sa burol ko ng nakapula at isa ka sa mga magsasalita sa eulogy speech at basahin mo 'to. (So bale, eulogy readings na ang tawag dun) Kung sakaling matanda ka na at malabo na ang mata ay ipo-post ko naman to sa blog ko at ipa-print mo na lang ng size 45 ang fonts. 

   Hindi ko na sasabihing "Get well soon" dahil hindi naman ako ang white blood cells mo.

No comments: