Pebrerong Ferrero : Mga Lasa ng Pag-Ibig
Pebrerong Ferrero. Huling beses na nagkaron ako ng tema sa blog ay Oct.2013- Oktubreng Oktupus. Ngayon, isa na namang kapos sa creativity na word play.
Bakit Pebrerong Ferrero? Madami kasing mag-iinvest ngayong season sa tsokolate dahil mag-aaraw ng mga puso.
Oo, Valemtimes! At abala ang marami sa kanilang mga jowa at jojowain. Abala ang mga walang jowa sa pagpopost ng selfie na may #masayamaging single. Abala masyado para makaligtaang may Recto at Edsa Day. Abala masyado para makalimutang Oral Health at National Arts Month.
dibuho ni: Margee
Mga sulat, sanaysay, tula at iba pang sulatin ukol sa pag-ibig sa kaibigan, kapatid, kapuso, kapamilya, kalikasan, at sa Kataas-taasan.
Magbasa, mahilo, matuwa, malito,
ma-adwa, maloko,
ma-irita, mabalo,
sa Pebrerong Ferrero.
Grabe,wala talagang kwenta yung huling paragraph. Mabalo?
Gayunman, ngayong buwan ay mayroon akong featured artist! Anis!
Tampok na Alagad ng Sining:
Si Margee ay nag-aaral sa SLSU ng Kursong Food Tech. Kaklase ko siya noong hayskul at mahilig rin siyang magbasa. Bukod dun mahilig rin siyang kumain ng hopya.
No comments:
Post a Comment