Saturday, February 1, 2014

Bookmarks Men, Bookmarks!

   Nakatanggap ako ng package mula sa hari ng padala, noong pang Enero. Mula sa kakakasal pa lang na sina Ate Bebs at Kuya Poy. (Bebang Sy Verzo at Ronald Verzo sa totoong buhay.) Abala pa dapat sila sa kanilang honeymoon pero nagawa pa nila kaming padalahan ng bookmarks. 

   Oo, kami. Kami na mga nagpaka-abala sa nakaraang Tintakon 2013. Matatandaang naging tagapagsalita namin si Bebang noon kahit pa may bagyo. At yon ang maiksing kasaysayan ng aming 'sanduguan'. 

   Siguro para sa iba ay bookmarks lang pero hindi siya 'lang' e. Batid ko ang hirap ng pag-gawa ng bookmarks, mula sa pag-pili ng materyales, paggugupit-gupit, pagkayat ng malagkita na glue sa daliri, at pagpili ng laso sa tuktok nito; ay isang napakabusising sining. Sining na di para sa mga walang tiyaga. Maraming mahilig magsulat na mahilig magbasa na mahilig ring gumawa ng bookmarks. 

   Very timely nga siya, dahil bukod sa krisi na dinadanas ko sa bolpen ay may recession din ako sa bookmarks. Yung mga ginagamit ko kasing mga 'panipi', kung yun nga 'yon sa Filipino, ay mga resibo o coupons mula sa restoran, o di kaya ay balat ng kendi. Pero pag malaki yung libro ang ginagamit kong panipi ay yung karton sa loob ng Chunkee. Kayanaman, hulog ng langit ang natanggap ng pakeyds. 


   Bukod sa mga bookmarks na gawa sa mga vintage na karton, ay may mga kasama rin ito NDBD posters na humihikayat sa pagbabasa. Lahat ito ay iniipit ng isang itim na file clipper. Ang nakaka-bother lang ay ang kasamang nakaipit rito na mga napunit/pinunit na papel na may dialouge na sinalungguhitan ng lapis. Parang inedit na manuscript. Parang sinadyang isama para maghasik ng kaguluhan ng isip. 

   Yung posters nina Ricky Lee ay pinalagay ko na lang sa Traviesa Office (campus paper ng skul ko dati,) dahil hindi pwede sa bahay. May regulasyon kasi sa pagkakapit sa aming ding-ding at kasalukuyan ay si Pacquiao at ilang basketbolero ang may permit. Buti na lang at may poster din si Chris Tiu mula NDBD. 

   Isipin mo na lang ang sasabihin ng tatay ko: "Sino yang matandang yan?!". Kaya mas minabuti kong ipalagay sina Ricky Lee sa opisina kung saan ma-aapreciate ang presensya nya ng mga manunulat/mamahayag. 

   May kasama pa pala itong note: 

16 Enero 2014 

Mahal kong Jord, 

   Maraming salamat sa napakasayang 2013. 
   Patuloy tayong lumikha. 
   Para sa panitikan, para sa bayan. 

[insert puso here]. Bebang at Poy 


Pasasalamat: 

Salamat 'te. Salamat din Kuya Poy. Pasensya na sa huling-huling pa-tenks, Jan 17 ko pa to nasulat. Tinamad lang mag-type. Pagpalain kayo sa inyong buhay mag-asawa at sana'y magkaron kayo ng maraming... 


Akda! 


Babu! 

No comments: