Kaalaman sa Antropolohiya
Si Dr. Raul Perteirra ang unang nagsalita tungkol sa Antropolohiya. Bago ito para sa akin dahil noong kolehiyo ako, magkasama ang sociology at anthropology at nagbabasa lang ng potokapi 'yong guro ko. Kaya kunot-noo akong nakinig at nagsulat kapag hindi ako napapatulala:
(1) Anthropology was a new discipline using science rather than religion as the basis of understanding society in order to improve its condition.
(2) "Human activity is significantly affecting environmental and planetraium degradation".
(3) Meron na palang strawberry na may fish genes para maiwasan ang freezing. Meron na ring kamatis na may animal genes para mainprove ang texture. Meron na ring care-robots para sa mga dementia patients. At kasama ito sa scope ng anthropological studies.
(4) Isa nga raw sa Filipinoness natin ay ang "mixed hilarity and seriousness". Parang laging required 'yong mga dignified na magjoke man lang o sumayaw. Nagpapakita raw ang katangian natin na ito na nagpapakita tayo na tao rin ang mga intelektuwal.
Hal: Si Sen. Miriam Santiago ay gumawa ng joke books at ang Stupid is Forever ay humakot ng 350, 000 sold copies and counting ayon sa taga-Anvil.
(5) Pinag-aralan ng anak ni Dr. Pertierra ang Eat Bulaga bilang isang pop culture icon.
-"it's silly and superficial appearing"
-meron itong political influence, charity works, economical power dahil nakakapagbenta sila ng produkto
-merong hard work, emotional hardwork para gawing palaging masaya ang mga tao sa audience
-"Eat Bulaga coveys a feeling of 'communitae' to its viewers"
(6) "Because pop culture is silly, that makes it silly for scholars to take it seriously" bilang subject of study. Kaya naman ang pop culture "becomes an unacknowledged culture...dahil ang "kalokohang" ito nagiging senador".
Si Dr. Michael Tan ang sumunod na tumalakay sa mga aklat na nalathala sa Pilipinas tungkol sa Antropolohiya. Hindi ko na sinulat ang mga pamagat ng libro dahil andami-dami talaga. Trivial din kasi ang talk ni Dr. Tan kaya minsan hindi ako makapagnotes, pero may ilan naman:
(1) Napakarami pa raw ng kailangang i-document sa mga oral literature natin mula sa mga ethnic groups.
(2) The more the Sto. Nino sa office ng gobyerno, the more na corrupt ito.
(3) 'Yong paglalagay pala ng tina sa beke ng mga nanay natin galing pala 'yan sa medical prophylaxis ng mga Kano noon. Nilalagyan nila ng tina ang may mga beke para pananda para i-quarantine at hindi para igamot.
(4) 'Yong chugi pala na gay linggo for patay ay mate-trace sa Pinoy Komiks. 'Yong "tsug!" kapag may sinaksak na karakter, doon galing ang tsugi/chugi.
(5) Kapag nag-aral daw tayo sa ibang bansa andaming permit na kailangan, kapag sila ang nag-aral sa Pilipinas ay basta na lang aalis without sharing their studies to us. 'Ni wala man lang symposiun o kopya ng studies na iniiwan. Tapos, sa mga National Geographic Mag malimit ipakita na primitibo pa rin ang mga Filipino.
(6) Meron silang ginagawang pag-aaral tungkol sa mga paggamit ng pampaputi ng mga Asian at mga babaeng Tagbanua na nagtatrabaho sa mall maglalagay ng make-up sa traysikel at kailangang tanggal na ang make-up bago makauwi sa barrio nila.
Maraming pangangailangan maging sa disiplina ng Philippine Anthropology. Ito ang ilan sa mga naitaas sa open forum:
Marami raw sa pag-aaral ng mga atnropologists ngayon ay policy-oriented. Siyempre nga naman, policies produce funds and funds support research on the ethnogroups. Kailangan kasi nilang iwanan ang regular work para mamuhay kasama ng mga pinag-aaralang ethnogroup.
Kakaunti ang may interes sa pop culture. Walang nagdedeconstruct ng pop culture sa kanilang mga studies. "Anthropology makes something strange familiar and familiar strange".
Ayon kay Dr. Tan, kailangan daw ng mga pag-aaral pa sa Philippine Anthropology at related disciplines gaya ng Archeology, Narratives, Medical Anthro, Public Anthro, Ethno-applied knowledge, at E-books & E-journals. Nang nagresearch daw siya tungkol sa mga anting-anting sa Quiapo may nakita siyang blog tungkol dito "Lihim na Karunungan" at na-trace niya na pinapatakbo ito ng isang taga-California.
Kaalaman sa Siyensya (Natural Science)
Si Dra. Gisela Concepcion, isang marine biologist at passionate na guro. Napaka-scientific ng talk niya dahil base ito sa data. Bumaha ng datos. Para kaming isdang nagswimming sa mga statistics at pie charts.
(1) Ayon sa datos ng UNESCO, sa Knowledge Index at Knowledge Economic Index level ng Pilipinas ay mula 65th ay 89th na tayo! Denmark ang nasa top 1! Alam na kung sinong kakaibiganin?
(2) As of July 2015, may 777 scholarly journals daw tayo. (Wala akong nabasa rito kahit isa). Ang 86% daw rito ay not of high quality. Makapagpasa lang sa requirement ng CHED na taasan ang bilang ng journals natin. Ngek?
(3) "We are below the world average" pagdating sa collaborative works ng social at natural sciences, at international citations at patent grants.
(4) Mahalaga ng international citations dahil nagbibigay ito ng recognition, importance, at credibilty sa scholarly work sa bansa.
(5) "When a country does not provide innovations (patent grants), therefore it is reliant to foreign goods".
(6) Kumpara sa GDP ng bansa, 20% lang ng ginagastos ng gobyerno sa health services. Sino ang magpupuno para mapunan ang pangangailangang medikal? Edi private sector. "The marginalized are not cared for".
(7) UNESCO said na dapat 1% ng GDP ng bansa ay naka-allot sa R&D. Kaya ang 37 Billion pesos nating allotment ay fall short ng 163 Billion pesos!
(8) Hindi tayo sa Agricultural industry nag-eexcel kundi sa Services. Mga OFW at BPO, highly trainable kasi tayo kaya ang mga foreign companies ay daluhungan sa'tin. Kung mayaman naman pala tayo sa human resources, bakit hindi natin 'to ilevel up?
(9) Meron lamang 125 Ph.D para sa isang milyong Filipino at napakaliit ng ratio na 'yon. "We need more experts in their fields". Ang Indonesia is targeting to make half of their population to be skilled workers by 2040.
(10) "we want this to be a knowledge-based industry, invest in human minds".
Tinanong si Dra. Gisela kung saan nanggagaling ang napalaking pag-asa niya amidst sa dala-dala niyang mga datos na huling-huli ang Pilipinas. Nagtawanan ang crowd. Hindi siya tumawa. "Sa mga alliances", may mga kasama siya sa akademya. Sabi nga niya kung gusto mong maging nanay kahit hindi biological parent, stay in the academe. "Magiging nanay ka ng iba't ibang kabataan every semester". Makakatulong ka sa paghubog ng susunod na henerasyon. "You'll have the chance to propagate yourself". Hindi raw dapat mawalan ng pag-asa.
Paano raw ituturo 'yong science sa bata? Siguro mas akma kung itinanong ay paanong ituturo ang hardcore science sa mga bata. Kasi nga wala tayong scientific culture. Akala natin na ang science ay anti-culture. Dapat kasi rito ay ma-empower ang mga nasa basic education, 'yong diskarte nila sa pagtuturo sa mga bata. Hindi kasi puwedeng by the book lang lagi. Flat ang pagtuturo ng bio. Kailangan maka-ukit tayo ng palagianf interes at curiosity sa mga chikiting! Maluha-luhang iniwan ni Dra. Gisela, "Mahirap, pero kailangan".
No comments:
Post a Comment