Kamay ng Diyos
Kamakailan lang ay naispatan ng NASA ang 'hand of God'. Meron kasing isang supernova na namatay at ang pulsar wind nebula o PSR B5109-58 mula rito ay nag-react sa RCW89 na lumikha ng tila isang kamay. "We don't know if the hand shape is an optical illusion", sabi ni pareng Hong jun An ng McGrill University. Nakikita lang kasi ang image na binuo ng high-energy electrons gamit ang NuSTAR sa range na 7-25 na kiloelectron volts.
Ang nerdy masyado pero may isang malinaw: may namatay na bituin at nakitaan ito ng hugis kamay na tinawag ng NASA na 'hand of God'. Siguro dahil bihira lang makakita ng pamilyar na anyo mula sa mga nebula. Isa ang pagkamatay ng mga bituin sa mga kamatayang magandang tingnan. Ano kayang pakiramdam ng Diyos kapag may bituing namamatay?
Ewan.
Pareidolia ang tawag dito e. Isang psychological phenomenon kung saan nakakakita tayo ng mga pamilyar na hugis o anyo sa nga bagay-bagay. Halimbawa ay ang mga hayop sa ulap at mga 'smileys' sa mga botones o balat ng kahoy. Sa pagkakakita sa 'hand of God', nakikita rin ang pagsamo natin na pisikal na makita ang paggawa ng Diyos at this time ay astropisikal ito. Madalas kasi, ang mga paggawa ng Diyos ay parang nebula na randomlyng isinabog sa Milky Way. Walang pattern. Ang abstrak lang. Hindi mo ma-gets.
Isang bagay ang sigurado: 'yong kamay ng Diyos ay kumikilos at gumagawa. Hindi man makita ng pinakamataas na kiloelectron volts ang mga ginagawa N'ya, alam kong makulay at maganda.
'Yong gumigising sa'kin sa umaga, humihimas sa likod kapag napapagod, at tumutulak sa'king mangarap ng to infinity and beyond; kamay ng Diyos.
Dyord
Setyembre 24,2015
No comments:
Post a Comment