May inalok sa 'kin na trabaho ang isang kapatid sa hanapbuhay. Sabi ko titignan ko lang muna so I sent my CV. Ibinalik n'ya ito napakarami raw na typos (typographical error). Edit-edit naman ako. Send ulit sa kanya. Akala ko oks na pero akala ko lang ang lahat dahil pagtugon n'ya sa e-mail ay marami pa rin daw na typos. Napahiya na ako.
Isa sa mga rules sa CV ay dapat NO typos. Rule #1. Kung ang doktor ay galit sa mikrobyo ang editor ay dapat galit sa typo. Nakalagay pa naman sa CV ko na "Basic knowledge in Lay-outing and Proofreading". Tapos, sarili kong CV andaming typos. Kaya siguro may mga inaaplayan akong mga frilans na trabaho na hindi ako ma-e-mail back man lang dahil bagsak agad ako sa rule #1.
Natutunan ko naman ang aralin na ito, ang Rule #2. Kapag maraming ginagawa, mag-focus lang sa isa hangga't hindi pulidong natatapos. Inayos ko kasi ng may pagmamadali para maabutan si Yaya Dub sa kalyeserye. Dahil dito mas magiging maingat na rin ako sa blog posts ko na napakaraming mikrobyo.
Makalipas ang tatlong araw ay nakatanggap ako ulit bg e-mail. "Erk!". Marami pa rin daw na mali sa CV ko. Wala na akong karera sa proofreading.
No comments:
Post a Comment