Nagkukumahog talaga akong umakyat sa penthouse ng Madison 101 Hotel. Hinahanap na nila ako, magpa-Pajama Party na ang Kagawaran. May kasaysayan kasi ako ng laging nawawala sa mga events namin (na hindi na naman kasama sa trabaho). Siyempre nag-elevator ako.
Kanina pang nagkukuwentuhan ang mga katrabaho kong nakasakay daw nila si Megan Young. ‘yung isa nga si Ding-Dong Dantes. Selfie-selfie with the stars ang mga kawani ng gobyerno. ‘wag mo namang maisip na kumuha pa ng artista ang Kagawaran para lang sa Christmas party. Nagkataong may shooting lang sa baba.
Bumukas ang elevator. “Up?” taas ng kilay ng pamilyar na mukha. Tumango naman ako. Kasi kapag hindi ako tumango agad in 2 seconds msasasampal ako ni Cherry Gil, ang nag-iisang Cherry Gil.
Isang Philippine Kontrabida icon ang kasabay ko sa elevator. ‘yung pakiramdam na “I am not worthy”, na ambaho ng hininga ko, na ang baba-baba ko kumpara sa nagmamataas n’yang meztisang ilong. Inagaw n’ya ang bag sa P.A. n’ya, nagpumilit na s’ya ang magdadala. Bumaba na rin sila sa 5th floor. Wala akong lakas ng loob magpa-selfie. Baka masampal pa'ko.
Pero isang karangalan kaya ang masampal ng isang Cherry Gil.
No comments:
Post a Comment