Napadpad
sa dagat ng mga buhangin
Tinitiis ang bawat
kurot ng espasyo
Ng malayong agwat
ko...
Sa'yo.
Sa maraming
pagpapalit-palit ng kalendaryo
Tanging sa pagitan na
lamang ng screen
Naamoy ang timpla
mong kapeng barako
Na patuloy na
nagpapatibok sa kasing-kasing
At nagpapalipas sa
mga malalamig na damdamin
Ngayong taon,
Wala munang akong
ipapadalang kahon-kahon,
Tatapusin na
ang matagal nang
kurot
Uuwi nang muli
Na tila lahat
lamang ay kahapon.
#
Dyord
Madison Hotel 101
Disyembre 20, 2016
Unang binigkas sa Pajama Party ng DSWD-SLP CALABARZON noong Disyembre 21, 2016.
No comments:
Post a Comment