Enero:
Mga bata sa Bless-a-Child Program
8 aklat ang naipamahagi sa Paniqui, Tarlac at GMA, Cavite kasabay ng Bless-a-Child Program ng Operation Blessing PH. Ang Bless-a-Child Program ay umaalalay sa nutrisyon ng mga batang kabilang sa poor at near-poor families sa pamamagitan ng 6-month feeding program.
20 Smart Parenting Magazines mula sa Summit Media ang napamahagi sa mga nanay mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Tiaong, Quezon
3 aklat ang naipamahagi sa Balagtas, Pandacan, Maynila, kay Gelo, Robi, at Nookie.
7 aklat ang naibahagi sa binuong mini-library sa isang transient house ng mga batang nakikipaglaban sa cancer sa Paco, Maynila
2 aklat ang naibahagi sa loob ng Southern Luzon State Univeristy- Tiaong Campus kay Robert at Arjay na nuo'y nagtitinda g buko salad para may maipangbili ng gamit sa eskuwela sa Hunyo.
40+ na reading and activity magazines (K-12 Curriculum) ang naipamahagi sa mga kabataang Grade 3-6
10 bilinggual na aklat ang naibahagi sa pag-uumpisa ng mini-library ni Ma'am Regine Clanor sa San Francisco, Quezon
5 aklat ang naipamahagi sa Disability Awareness Week Medical Mission sa Padre Garcia, Batangas.
Oktubre:
Isang Health-Awareness Day sa PutingKahoy, Rosario, Batangas
Galing din kami ng PutingKahoy kasama ni Leanne (co-worker/kapatid), Nikabrik, Alquin, at Roy. Si Nikabrik ang nag-storytelling ng 'May Giyera sa Katawan ni Mark' na sinulat ni Dr. Luis Gatmaitan. Si Leanne naman ang nagturo ng basic hygiene sa mga bata. Si Roy at Alquin naman ay ang sa moral support.
Sina Sheina & siblings mula sa Isabela.
12 aklat ang naibahagi sa Sta. Maria, Isabela kasabay ng Disaster Response Mission ng Operation Blessing (Super Typhoon Lawin)
9 na aklat ang naipamahagi sa Disaster Response ng Operation Blessing sa Balbalan, Kalinga (Super Typhoon Lawin)
Sa totoo lang, mahaba talaga ang kuwento sa bawat pahina ng Project PAGbASA 2016. Masyado lang busy ang proponent/accounting/coordinator/photographer/kusinero ng Project PAGbASA which is ako. Pero hindi ko ito naabot at nagawa ng ako lang kaya ito naman ang pasasalamat ko:
Pasasalamat:
Sa Rotary Club of Quezon City at Bryan Poe; para sa sponsorship ng funds ng Project PAGbASA!
Sa mga volunteers at PAGbASA advocates; kena Leanne, Nikabrik, Roy, Alquin, Cervin, Ate Reghs, E-boy, Ate Beb & Kuya Poy, para sa mga donasyong aklat, para sa kanilang pag-i-storytell, paghahanda ng props, pagpiprint ng mga kung anik-anik, pagtuturo ng paghuhugas ng kamay, pagsho-shoulder ng ibang cost para mas makatipid ang proyekto. Sa lahat ng effort at support, salamat!
Sa OMF Lit at kay Mil; para sa pagbibigay ng galanteng donasyon at diskuwneto para sa mga kuwento. Hanggang sa susunod na pamimili ko!
Kay BOSS, sa dagdag trabaho n'ya sa buhay natin. Salamat po sa pagtitiwala ng kapirasong resources. Salamat sa mga ngiting naipamahagi. Salamat sa pagkakataong makinig ng kuwento ng iba. Salamat sa malayong narating ng mga paa at panulat! Hanggang sa susunod pong taon ng mas marami pang kuwento!
No comments:
Post a Comment