Mag-aalas-singko
na.
Tumawag si Mam Galela, hindi sa telepono
kundi sa hangin. Bumaba naman agad is Tita Nel. Maya-maya pa ay umakyat na ulit
si Tita Nel. Pinadadagdagan daw sa kanya ang bilang ng tatanggap ng bagong
foodcarts sa palengke. Pero wala nang dadagdag na foodcarts. Ano raw?!
Bumaba kami sa opisina ni Mam Galela.
Bitbit ang pa-recievan na papel at ang paliwanag na wala nang makukuhang pirma
dahil mauulit na ang mga pangalan nila. Gumagawa raw ng panibagong bidding
ngayon sa PhilGeps para sa limang bagong foodcarts kaya kailangan namin ng
labinlimang bagong pangalan. Papirmahin daw namin ‘yung may foodcarts na,
ihihiwalay sila ng proposal. Tumaas ulit kami ni Tita Nel. So, ‘yung actual
natin na 61 foodcarts ay magiging 66 na?
“Baka sa papel lang, Ser,” pangamba ni
Tita Nel. Sa Audit: Kung ilan ang nasusulat sa papel, ayun dapat ang mabibilang
ng daliri. May pirma kami sa proposal. Dehado kami. Isang paa agad namin ang
nasa kulungan.
Bumaba ako para linawin kay Mam Galela
kung magiging 66 foodcarts na ga lahat-lahat sa bagong PhilGeps bidding;
itanong ko raw kay Tita Nel. Umakyat ulit ako, mukhang sa papel nga lang.
Bumaba ulit kami ni Tita Nel kay Accountant para linawin lahat. Nahihilo na
kami.
Pagdating kay Accountant, gaya ng
napag-meetingan namin nuong Martes, gagawa ng hiwalay na PhilGeps bidding at
kukunin ang pambayad sa counterpart ng Munisipyo o sa salita ni Accountant ay
mula na sa General fund. Ang hindi namin alam, kailangang magdagdag ng bagong
labinlimang pangalan. Wala na kakong mga bagong pangalan. Hindi naman kami
gagamit ng mahika. “Hindi na namin problema ‘yan, problema n’yo na yan,” ang
mga eksaktong salita ni Accountant.
Wala akong nasabi. Hindi ko inasahan ang
katotohanan ‘yun. “Ayokong makulong,” ang sabi ni Tita Nel. “Aba’y ako rin,”
sabi ni Accountant. Umalis na kami ni Tita Nel. Si Accountant humarap na ulit
sa kanyang Lazada account na nakabukas sa isang balingkinitang blusang itim.
Hindi ko na maalala kung paano kami nagpaalam kay Accountant.
Sa isip-isip ko; hindi naman kasya e. Hindi talaga kasya.
I mean ‘yung pondo.
#
Dyord
Marso
23, 2017
White
House
No comments:
Post a Comment