Hindi
ako naka-attend ng Provincial Meeting. Hindi na naman. Ako lang ang hindi. Na
naman. Kung bakit laging natatapat sa mahahalagang meetings. Nakatanggap tuloy
ako ng text mula sa concerned workmate; “Need help?” sabi.
Kung
mababa ang iyong social skills, mapapaisip ka talaga kung anong puwedeng
i-reply para di n’ya isipin na mapagmataas ka. Ano nga bang mga puwedeng i-reply kapag nakatanggap ka ng
need-help?-message? Ito ang mga pinagpilian ko:
“Nope.”
Risk:
Baka isipin n’ya mapagmataas ka. Kahit naglilinis ka lang ng sariling kalat.
“Asan
ka?”
Risk:
Mapaisip ka kung minsan ba hinanap ka na n’ya.
“Asan
ka?”
Risk:
Nasa mamahaling coffee shop s’ya at napasubo ka pa.
“Need
cash”
Risk:
Hindi na siya mag-reply. #seenzoned
“Need
space”
Risk:
Mag-e-mail s’ya ng PDF ng application form sa Mars One. #Passengers
“Need
love”
Risk:
Mag-reply s’ya ng “I am” at ikaw naman ang hindi maka-reply.
“Need
you”
Risk:
Hindi na siya mag-reply. #seenzonedulit
“Yes.”
Risk:
Humaba pa ‘yung usapan.
Sorry at salamat sa pag-aalala. Sana
hindi na maulit-ulit muli. Sana mabasa ko na rin ‘yung minutes. Sana ma-meet ko
na ulit kayo. Ang kailangan ko talaga ‘ka ko ay “Prayers at minutes of the
meeting.” #blessedparin
No comments:
Post a Comment