Wala pa
ring suweldo.
Iisa na
lang ang delata ko sa bahay. Ayoko naman nang tanghalianin 'yung natira kong
sardinas kagabi.
Biglang
ipinasugo si Tita Nel sa Batangas at hindi aabot sa meeting ang Mam Galela.
Nagmamadali kaya marami pang natirang bopis at sinigang. Ipinatong na sa lamesa
ko at hindi naman daw nila nilandi. Sa isip-isip ko, kanin na lang ang lulutuin
ko.
Sabay nag-alok
naman si Ate Agnes kung gusto ko raw na magtanghalian kena Ate Noeme at
nangungumbida. May anuhan kako. Wala naman at simpleng tanghalian lang naman.
Binitbit ko si Mam Mildred.
Pagdating
kena Ate Noeme ihinain ko ang dala kong bopis at sinigang. Naghain naman siya
ng sinigang na parang kinamatisang salmon. Naghain ng mainit na kanin. Dumating
sina Ate Agnes at Arsenia, mga kapwa parent leaders ni Ate Noeme, kasama ni Mam
Brenda at ng kanyang lablayp. Tumulong naman sa paghahanda si Ate Agnes ng pipino
at itlog na pula na may kamatis. Siyempre, may kasamang malamig na malamig na
sopdrinks.
Ayos naman
ang kuwentuhan at kain namin. Nagkuwentuhan kami tungkol sa pasaway na anak ni
Ate Noeme at kung paano siya cinesarian ng tatlong beses. Nagbalik-tanaw sa mga
dating trabaho bago naging full-time mom si Ate Agnes at bago napadpad sa DSWD
si Mam Brenda at Mam Mildred. Nagbahagi ng mga karanasan namin sa
pagpapamasahe. Sindami ng kuwento ang kain.
"Mas
maige pa ang hindi sumasahod e at nakakain ako ng matam-is" nasabi ko
habang hinihiwa ang malambot pero buo at mayabong leche plan.
Wala pa
ring sweldo pero marami pa ring subo.
#
Dyord
Marso 22,
2017
White
House
No comments:
Post a Comment