Bukas na.
Ayokong
magbukas. O sana lumipas na agad ang tatlong araw sa buhay ko. Parang torture
ang team building activities, hindi nakaka-build sa’kin. Nakaka-destroy. Bakit
ba kasi gusto ng majority ng humanity ang magputik-putik at mabasa-basa?
Introvert problems.
Parang
ito lang talaga ang makakapagpa-resign sa’kin. Gusto kong mag-awol ng tatlong
araw. Pero naalala ko ‘yung ginawa ko last year. Baka mawalan na ko ng trabaho kapag
binoykot ko ang team building at gusto ko naman ‘yung trabaho/ biweekly sweldo
ko.
Tapos
may remarks na sa infographics ng team building na “bawal ang kj”. At lahat na
ng dehumanizing acts (on my perspective) ang kumakabog sa dibdib ko.
Magresign
na nga lang kaya ako.
#
Dyord
Hulyo
25, 2017
MSWDO
No comments:
Post a Comment