Hulyo 31, 2017
Generally, oks naman
ako.
Kapag medyo nabibigitan
ako sa layf medyo naglu-look forward ako sa magandang extra curricular
activites.
Kagabi napag-usapan
namin ni Ser Walther, boss ko sa research dati, na medyo clueless ako kung
mawawala ako sa trabaho ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta talaga. Wala
akong escape plan. Sa ngayon, yung ginagawa ko lang ngayon ang gusto at naiisip
kong gawin.
Paano nga kung bigla
akong ma-terminate? Paano kung hindi na ako pasuwelduhin ng gobyerno? Saan ako
pupulutin? Kaya dapat daw may emergency plan din ako.
Mag-NGO na lang daw
ako. Mag-social entreprise kaya, kako. Kaya lang baka hindi naman ako/kami
mabuhay sa susuwelduhin ko ro’n. Alam mo na ‘yung mga pa-cute-cute na trabaho
ay baka cute din ang suweldo. Kailangan ko ring kumita ‘no.
Pero hindi pa rin naman
ako career path-career path thinking. Iniisip ko rin ‘yung quality of life ko
as I am doing that job that I’ll take di ba? Kung anong itsura ng uuwian kong
bahay. Kung anong dynamics ng community kung saan ako titira. Parang gusto ko
namang mag-northbound or sa Baguio. Pero wala talagang kong plano pa, parang
gusto ko lang.
Hindi naman iiwan agad
ang mga komunidad, kumbaga magkaroon lang daw ako ng contingency plan. Hindi ko
nga namang puwedeng ialay ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa memorandum
of agreement. Kaya naman dapat lahat sana ng baranggay ay ma-saturate na namin
ni Tita Nel ang buong bayan.
Mag-usap daw kami kapag
nag-Calabarzon tour si Ser Walther.
Nag-usap din kami
kagabi ni Ate Tins. Dapat maka-escape naman kami kahit once in a while sa aming
mga versions of realities. Next target namin ang Pista ng Pelikulang Pilipino.
Marami kaming gusto pero kailangan naming magdeliberation. Kung kakapusin naman
daw ako ay ililibre nila ako gamit ang 4+1 promo; pero mura lang naman ‘yung
mga tiket.
Sabi ko isama ni
Emabear ‘yung jowa n’ya. Tapos, isama ni Perlita yung syota n’ya. Tapos, isama
na ni Ate Tin si Kuya J(ojo). Para libre na ako at ako naman ay magsasama rin
ng pusa. Pero parang ayaw nila ng idea na ‘yun kasi baka mag-ala Tito Boy lang
ako at magtanong ng mga awkward relationship matters. Nagkausap din kami sa mga
goals sa layf, alam mo na adulting.
Magkikita kami ngayong
long weekend ng Agosto.
Bakit gising pa raw
ako? Sabi ni Bo, mga bandang mag-aala una na nga naman. Ipahinga ko naman daw
'yung utak ko. Nagpapaantok lang pero nagpaumaga na pala ako, hindi ko na namalayan.
Ok naman ‘yung araw ko
today.
Nakatapos naman ng
dapat tapusin.
Nakakatapos ng trabaho
pero hindi nakakaubos.
Mahalaga, ngayong araw,
ok naman ako.
#
Dyord
Hulyo 31, 2017
MSWDO
No comments:
Post a Comment