Introvert ka kung…
1. Hindi ikaw ang unang bumabati kapag may nakakasalubong na kakilala.
2. Dinadaga ang dibdib mo kapag nagsasalita o nakaharap sa maraming tao.
3. Hinihintay mong kaibiganin ka, kahit gusto mo nang kaibiganin minsan.
4. Kaya mong manood ng sine mag-isa.
5. Namumuti na ang mata mo kahihintay sa chat n’ya,
kahit pwedeng ikaw ang mauna.
kahit pwedeng ikaw ang mauna.
6. Sa maraming pagkakataon kay Muning ka lang fully honest.
O sa social media, o kaya sa blog.
O sa social media, o kaya sa blog.
7. Hindi mo pinapakita agad ang dinodrowing mo hangga’t hindi pa nakukulayan.
8. Hindi ka kumportable sa mga GTKY activities sa cell groups
9. Iniisip mo kapag GTKY, maaaring lahat kayo nagsusuot lang ng gustong maskara.
10. Pinaka horror na bahagi ng pag-a-apply ang interviews,
baka na-at-at ka pa nga.
baka na-at-at ka pa nga.
11. Lumalayo ka kaagad kapag nilapitan ng sales lady.
12. Ikaw ang palaging direktor, scriptwriter, propsman, o ekstra kapag may play
sa Araling Panlipunan nung hayskul
sa Araling Panlipunan nung hayskul
13. College ka na, kasama mo pa rin si Mama sa pag-e-enroll
14. Kinakabahan ka kapag pumipila sa government offices
(kahit yata extroverts)
(kahit yata extroverts)
15. Kinakabahan ka kapag magtatanong ng direksyon sa mga sekyu o takatak boys
16. Masaya ka nang magkaroon ng Waze
17. Nahihiya kang ma-special mention ni boss kahit ma-very good
18. Nahihiya kang ma-special mention ni boss kapag verbal memo (pero blind item)
19. Hindi ka lang basta nahihiya, iniisip mo agad mag-resign na lang
20. Ayaw mo ng team building, company outing, o christmas party.
Walang masama sa pagiging mahiyain, shy-type, loner, 'walang friends', o intorvert. Hindi ka killjoy gaya ng sinasabi nila kapag hindi mo nae-enjoy ‘yung nae-enjoy ng iba. Hindi sa ayaw mong maging masaya, gusto mo lang maging kumportbale, at masaya ka kapag kumportable ka.
Ang introvert ay hindi mga killjoy.
'wag mong kamuhian ang sarili mo dahil sa introversion mo.
Love your version kaibigan.
'wag mong kamuhian ang sarili mo dahil sa introversion mo.
Love your version kaibigan.
#
No comments:
Post a Comment