(c) Inquirer.net Entertainment
Kay
Iyay ng Patay na si Hesus directed by
Victor Villanueva at screenplay by Fatrick Tabada
Si
Iyay na ginampanan ni Jacklyn Jose ay isang nanay ng tatlong anak. Isang trans,
isang tambay, at isang may Down’s;
lahat ay anak n’ya kay Hesus. Si Hesus ang first love n’ya at di gaya ng
kasabihan patay na ito. Simula Cebu, sakay ang buong pamilya sa kanilang
multicab, ay pupunta silang Dumaguete para sa lamay ng Papa nila.
Simula
pa lang ng pelikula, kita mo na agad sa mata ni Iyay ang pagod. Madaling araw ‘yung
business nila ng bago n’yang kinakasama ay bukas na. Hindi naman sinabi kung
kailan s’ya nagkaro’n ng bagong kinakasama, pero sa mata ni Iyay, parang
matagal muna n’yang itinaguyod ang mga anak at kinaya naman n’ya nang wala si
Hesus sa buhay nila.
Sa
biyahe mula Cebu hanggang Dumaguete, isa-isang mag-i-stopover sila sa kan’ya-kanyang
problema. Problema ni Jude/Judith Marie. Problema ni Jay. Problema ni Hubert at
ni Judas. ‘yung mga problema nila, problema rin ng marami sa’tin. At marami sa’ting
problema ay prinoproblema rin ng mga nanay natin. Halong tawa at lungkot nga ‘yung
nararamdaman ko kay Iyay habang nagkakagulo sila sa daan at sa loob ng
sasakyan. Minsan magbubunganga s’ya. Minsan tatahimik na lang at bubuntong
hininga.
Pero
kahit anong mangyari, pupunta silang isang pamilya sa lamay ni Hesus. Determinado
s’ya. Parang gusto n’yang ipakita na kinaya n’yang mag-isang itaguyod ang mga
anak nila. Parang gusto n’ya ring sabihing siguro mas kinaya nila kung
magkasama sila. Fighter naman si Iyay e, pero honest din na nabugbog din s’ya
sa laban.
Ang
ganda nung biyahe, siguro dahil Bisaya
ang setting at language. At ‘yung emosyon may mga biglang liko talaga. ‘yung
malungkot ka, tapos magagalit, tapos biglang matatawa. Iba din si Iyay.
Rating:
Best Roadtrip
A Family
Travelouge
#
Ang Gadingan Awards for
Filifictional Characters ay isang pagkilala sa mga natatanging karakter sa mga
akdang Filipino na nakasalamuha ko na’t nag-iwan ng kakaibang pitik sa akin
bilang mambabasa, bilang Filipino, at bilang tao.
Disclaimer: Ang
Gadingan Awards ay isang award-giving body. Literal na nag-iisa lang ako sa
pagpili ng mga karakter at apelyido ko ‘yung Gadingan. Nag-iisa ako sa gitna ng
aking critic circle na binubuo ng mga boardmates kong langgam.
#BuwanngmgaAkdangPinoy
No comments:
Post a Comment