(c) Typist.PH
Kay Barbs ng Die Beautiful directed by Jun
Robles Lana at screenplay by Rody Vera.
Ang Die Beautiful ay tungkol sa buhay Trans na nagpabalik-balik sa mga flashbacks ng buhay ni Trisha na ginampanan ni Paolo Ballesteros. Si Barbs na ginampanan naman
ni Christian Bables ay ang bff ni Trisha. Ang husay ng character ni Barbs sa
pelikula, sobrang supportive. Agaw pansin si Barbs pero hindi nagpapansin,
maganda lang talaga ‘yung character n’ya.
Paborito ko ‘yung scene sa bintana,
nakalimutan ko na kung anong pinag-uusapan nila, tag-isa sila ng bintanang
inupuan at napupuwangan lang ng kapirasong dingding. Ang ganda lang.
Criteria for judging:
10% High school friend s’ya
ni Trish. Hayskul layf na walang kasing saya ay may mga hayskul bffs na wala
ring kasing saya. Medyo may madilim nga lang na karanasan si Trisha noong
hayskul.
10% Makulay. Masaya lang sila sa mga
raket, aura, at simpleng pagtambay. Pero hindi laging masaya, may mga bahagi rin
na masakit. Pahit may mga madidilim na bahagi sila Barbs at Trisha, laban pa
rin. Literal na laban, kontesera kasi sila mga gay pageants. Tinatakpan na lang
ng concealer ang mga literal at figurative na pasa ng buhay.
40% Bes Supporting Role. Si Barbs handang
makipagsabunutan para sa’yo kahit saang lansangan. Handa kang patirahin sa
bahay nila anytime na maglayas ka. Handa kang kilayan sa panahong parang hindi
mo na kaya. Kapag iniwan ka ng jowa mong pina-ilongan mo; isang katok lang si
Barbs at puwede mo na s’yang iyakan.
40% Grace under pressure. Sa buong
pelikula, sa mga major major setbacks sa buhay ni Trisha, parang si Barbs ‘yung
isa sa may pinaka malaking stress. Mahirap mag-comfort ng kaibigang winasak ng
pag-ibig ha. Hindi birong mag-asikaso ng burol sa Pilipinas dahil sa daming
technicalities ng mga pamahiin natin. Lalong hindi basta-basta ma-conceal ang
pugtong mata ng kaibigan.
Pinakita
ni Barbs ang malaking pagpapahalaga nating mga Pinoy sa bilin ng namatay. Ang
bilin ng namatay, kung kaya rin lang tuparin, ay parang utos ng hari. Higit sa
lahat, kaya siguro kapansin-pansin din ang karakter ni Barbs ay pinatunayan n’ya
na ang pagiging BFF ay ‘til death do us part din.
Rating:
Taas
Kilay!
#
Ang Gadingan Awards for
Filifictional Characters ay isang pagkilala sa mga natatanging karakter sa
mga akdang Filipino na nakasalamuha ko na’t nag-iwan ng kakaibang pitik sa akin
bilang mambabasa/manonood, bilang Filipino, at bilang tao.
Disclaimer: Ang Gadingan Awards ay isang
award-giving body. Literal na nag-iisa lang ako sa pagpili ng mga karakter at
apelyido ko ‘yung Gadingan. Nag-iisa ako sa gitna ng aking critic circle na
binubuo ng mga boardmates kong langgam.
#BuwanngmgaAkdangPinoy
No comments:
Post a Comment