Ella Arcangel Tomo Una graphic novel by Julius Villanueva
Dagdag Pagpapakinis ni Mervin Malonzo
Published by Haliya Publishing
Kay
Ella Arcangel ng Ella Arcangel Tomo Una, isang graphic novel ni Julius
Villanueva at pagpapakinis ni Mervin Malonzo (published by Haliya Publishing).
Si
Ella Arcangel ay isang simpleng bata lang sana sa isang simpleng baranggay na
kung tawagin ay Masikap. Simple sana kung hindi nagsisiksikan ang mga
maralitang taga-lungsod sa iba pang mga kagilagilalas na mga nilalang at kung
hindi mulat si Ella sa dalawang mundong ito.
Ang
baranggay Masikap ay gaya ng maraming squatters area or slums sa mga siyudad. Natatagpian
ng iba’t ibang trapal ng pulitika at nalililuman ng nagtatatyugang mga gusali.
Nang buklatin ko ang mundo ni Ella Arcangel, hindi ako nagandahan sa drowing, e
ano ba namang kaibig-ibig sa mga barung-barong, masikip na eskinita, at mga maralitang
taga-lungsod?
Suggestive
ang pinag-ugatan ng gulo sa Brgy. Masikap ay ang paglagpas natin sa
kanya-kanyang mga hangganan. May mga lumuwas mula sa iba’t-ibang probinsya
malamang dahil sa kakulangan ng oportunidad doon, ngunit kinain lang din ng
kahirapan sa lungsod. May mga hindi alam ang salitang co-existence. At sa Brgy. Masikap nagbuhol na ang mga suliraning
paranormal, politikal, at sosyo-ekonomikal, kaya mulat na mulat si Ella
Arcangel sa hirap ng buhay dahil volunteer s’yang nakikialam sa mga suliranin.
Nakakatuwang makitang natutulog pa rin s’ya kadasig ng marami nitong mga
kapatid.
Napapaisip
nga ako kung bakit bata ang ginamit ni Julius Villanueva. Sa ganitong mga
komunidad, pinaka bulnerable ang mga bata. Mukhang kailangan nating kuwestyunin
ang tinatahak nating daan ng pag-unlad. Hindi dapat pag-unlad na may mga
naiipit at nadadag-anan.
Rating:
Sistemang
nangangain! (literally)
#
Ang Gadingan Awards for
Filifictional Characters ay isang pagkilala sa mga natatanging karakter sa mga
akdang Filipino na nakasalamuha ko na’t nag-iwan ng kakaibang pitik sa akin
bilang mambabasa, bilang Filipino, at bilang tao.
Disclaimer: Ang
Gadingan Awards ay isang award-giving body. Literal na nag-iisa lang ako sa
pagpili ng mga karakter at apelyido ko ‘yung Gadingan. Nag-iisa ako sa gitna ng
aking critic circle na binubuo ng mga boardmates kong langgam.
#BuwanngmgaAkdangPinoy
No comments:
Post a Comment