SAGALA ni Tori Tadiar
Riel ng SAGALA na komiks ni Tori Tadiar.
Si Riel ay nakababatang kapatid ni
Constantino na kabilang sa Guardia na
umiiral sa isang alternative hispanic Philippines na Islands of Hiraya. Si Riel ay isang pagbasag sa nakasanayan nating
dalagang Filipina na mahinhin, mayumi, at mahina. Isang dalagang Filipina na
may kulit, angas, at ambisyon; sinong hindi tatamaan? Naging kaabang-abang ang
pag-asinta n’ya nang nakabihis ng modified
baro’t saya.
Masyado lang akong nabilisan sa fight
scenes, nabilisan ako sa daloy ng panel. Mabilis lang din ang daloy ng
pagkukuwento, pero naka-33 pages din pala s’ya nang hindi ko namamalayan. Sana
lang din mas nakita ko ‘yung mga Filipiniana sa p.16-17. Gusto ko lang ding
makalubog pa sa mundo at panahong umiiral si Riel. Details? Siguro sa mga susunod pang mga volumes.
Kaabang-abang pa kung anong mga
Filipiniana pa ang maisusuot ni Riel, anong mga baril pa ang kanyang kakalabitin,
sino-sino ang mga aasintahin, at mga ilang kakulitan pa n’yang magpapalipat sa
mga pahina ng SAGALA.
Rating:
So-nice-na-dapat-binili-ko-na-rin-yung-second-volume!
Script
for keeps!
#
#
Ang Gadingan Awards for Filifictional Characters ay isang pagkilala sa mga natatanging karakter sa mga akdang Filipino na nakasalamuha ko na’t nag-iwan ng kakaibang pitik sa akin bilang mambabasa, bilang Filipino, at bilang tao.
Disclaimer: Ang Gadingan Awards ay isang award-giving body. Literal na nag-iisa lang ako sa pagpili ng mga karakter at apelyido ko ‘yung Gadingan. Nag-iisa ako sa gitna ng aking critic circle na binubuo ng mga boardmates kong langgam.
#BuwanngmgaAkdangPinoy
No comments:
Post a Comment