Alternative Alamat edited by Paolo Chikiamco
Kay Alunsina at Tungkung Langit sa Keeper
of My Sky na short story ni Timothy James Dimacali sa short
story collection na Alternative Alamat edited by Paolo
Chikiamco.
Ilang beses
ko nang nadaanan ang kuwento nina Alunsina at Tungkung Langit pero itong kay
Timothy James Dimacali ang pinaka ma-feels. Damang-dama mo ‘yung masidhing
kagustuhan ni Tungkung Langit na makita si Alunsina sa hinaba-haba ng panahon.
At halos guguho ang mundo mo kapag nalaman mo ang “mga bakit” na sa haba ng
panahong nagpauli-uli sa isip ni Tungkung Langit si Alunsina ay hindi na
nagbalik ito sa kanya at hindhi na magbabalik pa. Kailan-kailanman.
Matapos kong basahin ‘yung maikling
kuwento, napaisip ako sa nararamdaman ni Alunsina sa mga panahong umuulan.
Kumakanta kaya s’ya ng Aegis habang nagpapakabasa sa ulan at nilulunod ng
lungkot? My ulan will be sadder than ever.
Rating:
Tayo na lang Ulit Award
Storms you can't weather
On my own
Mahihirapan kang bumangon
#
Ang
Gadingan Awards for Filifictional Characters ay isang pagkilala sa mga
natatanging karakter sa mga akdang Filipino na nakasalamuha ko na’t nag-iwan ng
kakaibang pitik sa akin bilang mambabasa, bilang Filipino, at bilang tao.
Disclaimer: Ang Gadingan Awards ay isang award-giving body. Literal na nag-iisa
lang ako sa pagpili ng mga karakter at apelyido ko ‘yung Gadingan. Nag-iisa ako
sa gitna ng aking critic circle na binubuo ng mga boardmates kong langgam.
#BuwanngmgaAkdangPinoy
No comments:
Post a Comment