Tinatanong na naman ako ng journal ko kung anong realizations at
learnings. ‘Ayun na-realize ko ambiles naman palang matapos ng Pebrero. Parang
di ko namalayan. Pero naisipan kong patulan ‘yung meme na “‘Andun ako sa point
ng buhay ko na…” kasi kahit papaano nalo-locate mo kung nasaang bahagi ka na ng
circle of life.
May mga pagbabago sa mga bagay na pinahahalagahan mo. ‘yung dating
mahalagang-mahalaga ay mej mahalaga na lang ngayon. ‘yung dating di mo
napapansin, nakatutok sa ulo mo ngayon. ‘yung hakuna matata mo ay nilunok na ng isang salitang ingles: bills.
Ako,
‘andun ako sa point ng buhay ko na:
1. Hindi ko na sinisisi ang stress sa work
kumbakit ako malakas kumain.
Wala na akong work pero tumataba pa rin. Mabuti
naman at may nakakain pa, pasalamat.
2. Ang daming time at energy para sa mga
gustong puntahan at subukan pero kaunting-kaunti na lang ang pera.
Based on my experience, ang availability
ng time at energy ay inversely proportional sa availability of funds.
3. Habang bumababa ang adb ng savings ko ay
bumibilis ang bpm ng puso ko.
Another inversely proportional ang
current assets at heartbeat. Kamay sa dibdib and recite: “be still my heart and
my stomach”. Kikita ulit tayo sooner. Tiwala lang.
4. Every Piso Counts.
5. Iniisip mo kung magaling ka ba talaga
dahil wala pa ring reply sa e-mails mo.
Kahit auto-replies or acknowledgment
receipt, wala.
6. Ayaw mo nang mag-isip ng creative na
sagot sa tanong na “Asan ka ngayon?”
7. Hindi mo na alam kung nasang point ka na
sa cartesian plane of life.
Parang papunta na sa Quadrant III.
8. Ang dami kong time para sa Filipino Film
Fest sa bahay.
Mag-intro-introspect kahit papaano.
Salamat sa supplier ko ng mga kontrabandong
pelikula. #lovelocal #supportfilipinofilms #waglangmagtorrent #spendsomesasine
Makakapuntos din tayo.
#
No comments:
Post a Comment