May job interview ako sa Makati kaya ang aga-aga kong sumakay ng dyip
papuntang Diversion-Lalig. Mga bandang alas-sais pa lang. May kasuno akong
dalawang lola. Maaga rin akong nakinig sa usapan nang may usapan. Ang lakas
kasi nilang maghuntahan. Siguro’y mahina na ang pandinig at malakas pa ang
ugong ng sasakyan.
“Ala’y garne ang kanilang gawa: pagpasok mo’y wala noong plan na 36.
Papipiliin ka sa trenta o sa kwarenta’y singko mil. Aba’y siyempre ikaw na
anak, ang gusto mo’y maganda-ganda ang serbisyo sa’yong inay at ayaw mong
mapahiya. Dudukot ka ngay-on ng siyam na libo.”
“Ay wala naman iyon sa pulong”
Modus
daw ito ng isang purenarya. Nagkakabit lang ng sticker ng isang sikat na burial
insurance plan pero ang totoo’y hindi naman accredited. Si kliyente naman,
palibhasa’y aligaga nga’t namatayan ay mabilis kumakagat at nang maiburol na
nga naman ang patay.
“Ako’y siyam na hulog na laang at tapos na. Ang isusunod ko nama’y ang
lupa d’yan sa Sanctuary,” pagbibida pa
ni nanay. Mukhang malapit nang maka-boundary sina nanay sa takbo ng
kanilang usapan. Malalakas pa naman sila sa tingin ko.
Kailan nga ba ako huling naghulog sa SSS, PhilHealth, at insurance?
Kailangan ko na ulit palang sumuweldo at marami pa akong bubunuing hulog.
#
No comments:
Post a Comment