Wednesday, October 30, 2013

Hell Weak

Kung naka 2.5 ka nong Prelims at 3 naman nong Midterms, binabati kitang muli fella dahil kahit isingko mo na ang Finals pasok ka na sa banga. Dahil 10.5 lang ang maximum total para makakuha ka ng final grade na 3. Pero kung namuhunan ka na nong mga nagdaang terms, aba wag mo nang sayangin at sikapin mo ng makakuha ng medyo unat-unat na marka, malay mo magamit mo yan bilang attachment file para sa petition mo ng baon increase for 2nd sem.

Tambak ang exams. Gabundok ang quizzes. Sanlaksa ang requirements. Mula research works, term papers, baby thesis, lab.exercises, lahat yan may nagaambang na deadlines. Uneven talaga ang distribution ng mga paper works sa loob ng isang sem dahil kung i-fre-frequency polygon mo, makikitang mas mataas ang curve sa bandang finals. Tradisyon na ata ito kada magsasara ang semestre: ang pagpapkasakit sa mga estudyante – Hell week!

“Deadlines like promises, were made to be broken.” motto naming yan ng mga barkada ko dati(Tabs, Rod., perlitz). Minsan lagpas ng ilang oras, minsan ilang araw pa nga kaming late mag-submit. Bakit? Maniana Habs, kung kalian malapit na saka gagawa. Ewan, don lang kasi bumubukal ang creative juices sa pagsusulat ng mga teknikal na bagay. Kung tutuusin madaling mag copy editing sa internet at sa loob ng 1 oras, Viola! May term paper ka na.

May mga instructors na nagbibigay ng konsiderasyon o kumukunsinti sa ugali/sakit naming ‘yon. Naalala ko non may instructor kami na nagbigay na ng 1 kahit wala pa kaming output. Presyur na presyur talaga kami. Meron pa dati na nagprepresent na ng business proposal, text na ng text yung mga kagrupo ko na nasan na daw ako at hinahanap na yung manuscript. Hindi ako nagrereply dahil nagrurush pa rin ako ng business plan sa computer shop nun. Kada haharap kami sa isa naming malupit na instructor nagiisip na kami ng matinding dialogue kung sakaling hindi nya tanggapin ang aming pinagpaguran:

A.      Magpaawa. Humingi ng habag.
ü  Ma’am baon ko po ng isang linggo ang ginastos ko rito. 
ü  Pinangutang pa ng Inay ang pinang-project ko rito.
ü  Ako lang po ang inaasahan ng pamilya kong mag-aahon sa kanila sa kahirapan, pag bumagsak ako, sisirain nyo ang pangarap nila.

B.      Mag-iwan ng Nakaklokang Eksena sa Faculty. (Mas Cinonsider talaga naming ‘to)
ü Sa oras na tumanggi na siyang tanggapin, iwanan sya ng kalawanging lata at hagisan ng barya. Siguraduhing tataginting yung barya.
ü Iwanan siya ng red post note na may nakadrawing na bungo.
ü Tingnan siya sa mata habang pinupunit-punit ang term paper sa isandaang piraso.
ü Ilabas ang baong lighter at sunugin ang terma paper sa harap niya habang tumatawa.

Siguraduhin mo na may soft copy ka para di naman saying pinagpaguran mo dahil nabadtrip ka, siguarduhin mo na rin na pasok ka sa banga (10.5) kung sakaling isingko ka niya sa eksenang gagawin mo.


Pero sa naaalala ko wala namang tumanggi sa mga late naming papers siguro dahil sa paglipas ng panahon alam na nila kung paano kami tumrabaho. Kaya payo ko sayo wag kang gumaya samin na ginagawang rush id ang mga paperworks. Sipag-sipag din pag may time, dahil sabi nga ng instructor naming dati: “Class, college na kayo. Grow up!”

Monday, October 28, 2013

Bakasyon



“Nahan na ang graphics?”“Nahan ang devcoms?”“Anong petsa na?!”“Magpapa-imprenta na tayo.”“Subrang huli na tayo sa timetable natin.” Ririndihin ka ng mga ganitong ngal-ngal sa publication ng aming unibersiti. Buti na lang may pamilya kang uuwian: “Blag! Boom! You give love... Bam! Bang! a bad name! Yeah! Rakenrol!”salubong sayo ng 80’s na playlist ng tatay mo. Pero buti na lang andiyan ang nanay mo: “O, ‘yung aso paliguan mo.” “Yung mga hugasin” “Yung lalabhan mo, anlawan ng husay” “Yung harapan natin wala pang nagwawalis” parang si Moises lang na nagbabasang sampung utos. Minsan, kinakabog pa niya si Moises pagdating sa pagpapaalala. Hindi gaya ng mga pamilya sa commercials ang meron ako. Kung garne ang pumupulupot sa buhay mo sa araw-araw, masama bang kumagat ka ng break?

JJJ

“Oh kuya, ok ka lang? Naho-homesick ka ba?”Ngumiti lang ako.

Si Dave (David ata ang pangalan niya), kulot, kayumanggi, at singkit; ay isang mag-aaral ng Bibliya na nakapanayam ko sa aking 3 araw na pagtakas sa ‘realidad’. Galing siya sa isang simbahan sa Laguna kung saan siya ay naglilingkod sa creative media.Taga-gawa ng presentation slides at taga-pindot ng right arrow key kung may pagtitipon. Malamang taga-dausdos din siya ng acetate nung hindi pa uso ang LCDs dahil bata pa lang ay nahaya na siya sa pag miminesteryo bilang anak ng isang manggagawa. Gaya ko, nakakilala rin siya sa Panginoon sa murang edad.“Nakakasawa rin” aniya habang inaalala ang karanasan. Napabarkada, naadik sa DOTA gaya ni [insert your friend name here], at tuluyang namatay ang kanyang panlasa sa mga makalangit na gawain. “Kapag may mga youth fellowship, tinatakasan ko yon lagi at nagdodota lang ako.”kwento niya. Mahirap nga namang hindi maimpluwensiyahan ngayong sa gan’tong panahon tayo naghahanap ng pagtanggap mula sa mga nakapaligid satin. “Ay, wag na nating isama yan. Anak ng pastor yan!” isa sa mga persekusyong natanggap niya. Pero dumating sa kanya na hindi pinakamahalaga ang pagtanggap ng mga tao kundi ang mas higit na mahalaga maging katanggap-tanggap sa Diyos. Amen! Kaya yun nagpasya siyang pumasok sa pag-aaral Bibliya, kung saan wala siyang kahit anong gadget/electronic devices upang mulig kumonek sa dating na-hibernate niyang relasyon sa kanyang Tagapagligtas. “Sa una parang wala lang, peo nong ikatlo na, umiyak nako sa homesick, pero pag nagtagal ka hindi mo na namimiss ‘yung pamilya mo. Parang ayaw mo na ngang umuwi eh.”Pangitang-pangita na online na muli siya sa Strongest connection.

JJJ

Sabi ko magbubuwis dangal ako dun pagdating sa mga games at pakikipag-socials, pero cheering competition pa lang tinamaan nako ng hiya sa ka-cornihan, hindi ko pa rin pala kayang isuko ang pinaghirapan kong dignidad. Bakit kapag cheering competition, lahat lumalabas ang ka-cornihan kahit ano pang prestihiyoso ng propesyon nila. Nahiya nga ako sa isang hayskul na camper, tumabi siya sakin at inabot ang kamay-“You are?” Tanong niya. “the light of the world?” sana ang isasagot ko kaya lang waley kaya di ko na tinuloy. “Jord” ang sinagot ko kahit “J.E.” ang nakalagay sa nametag ko para hindi naman maitsapwera ang second name ko na “Earving” pero kahit ako ay sanay na rin sa “Jord” lang. Maganda ang social skills nung bata, kalaunan nalaman ko na PK(Pastor’s Kid) siya at kapwa gamer. Matatagalan pa ata ang pag-unlad ng social skills ko, pero nagkaron naman ako ng mga konting kaibigan sa maigsing panahon. Nakikipagkilala na sa mga kapatid mula sa iba pang mga lugar. Hindi na’ko ang dating mailap na pusa. 

JJJ
Siga
Lagitik ng mga tuyong kahoy
Mga nabaling buto, sakit ng kalamnan.
Kaalinsabay ng koro ng kuliglig
Sa kumpas ng kwerdas
Humihimig sa hangin
Ibsan ang halumigig
Nakatingala sa mga tanglaw
Lumalagablab na awit, agos ng batis
Sunugin at anurin ang pagal na manlalakbay.
Naglaro ako na parang batang may pasok na kinabukasan. Nag-volleyball at Frisbee hanggang manakit ang katawan para lang sa isang ice cream na natalo lang din ako ng isang mala-Asong kaibigan. Maganda naman ang laban sa iskor na 4-5. Nag-modified bato-bola (tatlong base, tapos pwede kaming umikot-ikot habang bumabato) hanggang lumawit ang dila. Nakakahigop ng pagod ang pakiramdam habang tumatama sa paa ang mga mahamog na carabao grass at paminsang-minsang kumayod sa malambot na lupa para bumwelo sa pag-agaw sa lumilipad na pinggan. Nag-modified patintero rin (tatlong-kadena ng manlalaro sa opensa at limang-kadena ng mga tao sa depensa) hanggang lumabas ang isopagus sa kapapaparoo’t parito. Lahat halos sinubukan maliban sa zip line at 360-degree swing, kolonyal kasi masyado ang konsepto nito. Di sumasalamin sa katutubong kultura kaya di ko sinubukan. Pananamantala ng pagkakataong wala pa ang mga presyur ng mga ekspektasyon ng mga taong nakapaligid sayo. ‘Yan ang depinisyon ko ng bakasyon.

 JJJ

Kada gising sa umaga, parang hinahanap ko agad ang mga sermon ni ‘Moises’ukol sa paghuhugas ng pinggan; pero nasa bundok nga pala ako. Maglalakad ako sa mahamog na soccer field habang humihimig upang marating ang isang kubo kung saan makikipagniig ka kay Boss. Tinig naman niya ang diringgin sa kapayapaan ng umaga. Sana ganito araw-araw, gabi-gabi. Yung hindi ka inuunahan ng nagsususmigaw na mga gawain pagkagising sa umaga. Reconnected at updated, muling pagkonek sa Strongest connection. Pero siyempre lahat ng‘to matatapos rin at babalik rin sa dati ang lahat. Pero hindi, hindi lahat babalik sa dati. May mga hindi na babalik sa dati.

Free Burgers For All

Oct.11, Friday – SLSU Tiaong. Bumaha ng mineral water at cheese burger sa unibersidad sa pangunguna ng Gideons (isang grupo mula sa California, US) at Kubo Ministri (LWCF-Campus Ministry) Leaders mula 10:00 am-12:00pm, na naging libreng tanghalian na, para sa ibang nagtitipid na estudyante. Ang nasabing pilantropong gawain ay pagbabalik pasasalamat ng nasabing grupo sa kanilang tinatamasang pagpapala. Higit lalong mabuti sa lahat ay nakatanggap ang bawat is ang libreng Bibliya (Bagong Tipan).

Taon-taon hawak ng Bibliya ang Guiness World Record sa pagiging bestseller. Oo, may bumibili ng Bibles kahit maraming pinamimigay at downloadable na kopya nito. Ayon din sa datos na nakalap ng 2012 Readership Survey ng National Book Development Board, ang Bibliya ang pinakasikat at pinakamadalas na basahing non-school book ng mga Pilipino (58%). Taob sina J.K Rowling, Suzzane Collines, at Bob Ong! Pero aminin nyo man o hindi, na mas natuwa tayo sa burger kesa sa salita ng Diyos. Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi nagpahalaga sa pinamigay na Bibliya sa bagay ito na ang panahon na pinakiinggan na lang ng tao ang gusto nilang pakinngan. Kebs na kung totoo o hindi.  Gayunpaman, alam naming hindi nasayang ang pagpapagal ng mga taga-Gideons sa pamamahagi ng pinakamatanda at pinakamataas na antas ng panitikan na kayang bumago ng buhay.

            Isa sa mga kwento ng buhay na napakinggan ko ay ang kwento ng isang 65-taon na lola na namumuti na rin ang buhok. Halata na matagal na siyang naninirahan sa Estados Unidos dahil sa acquired niyang accent pero mahusay pa rin siyang managalog. Gaya ng maraming success story, galing rin siya ng mahirap na pamilya, pero nagkaron siya ng educational grant sa uste. Siyempre mayayaman ang kaklase niya ‘ron, nabanggit niya na kaklase niya noon ang mga apo ni Lucio Tan at Henry Sy. Kapag tanghalian may baon lang siya na pandesal na may palaman namang matamis kahit papano at inuutay niya yung kainin sa library, ngiti na lang ang isinasagot niya sa librarian kapag tinatanong siya kung bakit nasa libarary siya gayong lunch time. Pagkatapos ng kukutin niyang pandesal, tatakbo naman siya sa fountain na inaapakan para uminom ng panulak. Sabi ko nga sa katabi ko non: “Grrrabeh no? Mapalad pa tayo dahil nakakapag-Mami pa tayo minsan-minsan.”.Pero dahil nag-aral siya ng mabuti at God honored her efforts naman. Nakapanirahan siya sa US at nagkaron ng magandang buhay.

            Hindi ko alam kung anong trabaho niya sa US pero nabanggit niya na naging cab driver siya ron ng maikwento niya na sinusundo niya ang anak niya mula sa school. Malamang hindi ‘yon agad-agad milk and honey, nagpawis pa rin siya sa mahalumigmig na Amerika.

“Minsan sinundo ko yung anak ko from school, nag-taxi driver ako dati sa Amerika e. Napansin ko malungkot ang anak ko. Sad face. Gloomy.” Sabi niya na halatang isang nanay na nag-aalala.

“Well, pinagpahinga ko muna siya sa kwarto, pinagmerienda. You know, nakakapagod sa school so I let him rest before I talked to him.”

Nang makausap niya ang anak niya ay nalaman niya na nalungkot ito ng mag-cheat sa exam because he wanted to be the first, to be on top daw.

“Alam mo ba, na nag-cheat rin si Mama sa school?” Pag-aalo niya sa anak at dun niya lang nakitaan ng liwanag ang mukha ng anak niya. Wala naman talagang excuse sa failure, error, at kahit sa pagkakasala. Binigyan niya ng diin ang pagtalikod sa kasalanan, pagtitiwala kay Hesus bilang Dios at Tagapagligtas, at ang bagong buhay na maaring matamasa. Sa 60 taon na nakilala niya ang Dios mula sa Bibliya at karanasan sa buhay, pinagpala siya at ang kanyang sambahayan at nais niya itong ibahagi sa Pilipinas. Kaya mula 1980, sa kabutiha’t biyaya ng Dios at taon-taon silang umuuwi sa Pilipinas para sa mga ganitong gawain. Habang ibinabahagi niya ang kanyang kwento, hindi niya napigilang maging emosyonal dulot ng kaligayahan. Ang mga buhok ni lola ay halatang pinaputi ng mga malulungkot, masasaya, at matitinding karanasan.

            “the best thing in the world is still free for all..”

            Si lola na may baong pandesal sa tanghalian ay isa sa mga pinagpalang maging kasangkapan para magbahagi ng burgers sa tanghalian sa buong SLSU-Tiaong.


Saturday, October 26, 2013

Bandalismo

Vandalism is a conspicuous defacement or destruction of a structure, a symbol or anything else that goes against the will of the owner/governing body, and usually constitutes a crime. “
                                                            – Wikipedia

Ansabe ni Wiki? Kalokee! Sa bagay si Wiki na ang shoytle sa mga achieve na achieve na mga definitions-of-all-sorts. Ang nowitzki nating kemeng pagsulat sa armchair ay isa nang bonggang big deal na dapat nang bigyang kahulugan. Wiki, Ikaw na! Ikaw na talaga ‘teh!

Well, wizzing mashockness ha, ishe-share ko sayo na ang bandalismo ay hindi lang ang kemeng pag-sulat sa mga upuan ng bus at mapanghing CR. Isa ring uri ng bandalismo ang rayot, pambabasag ng salamin ng bintana, pamamato ng itlog, or worst; arson o panununog na ang drama. Kabog di ba?

Nakarinig ka na ba ng nakulong at nakasuhan ng vandalism ditrax sa more-fun-na-bansa? Waley pa ata ‘the no? Pero widaw ka mama, sa Singapore, 3 years of behind bars ang ganap mo don ‘pag nahuli kang nag-bandal. Lakas maka - Remington, kashokot no? As usual, problema na­tin ang havey na probisyon at implementasyon ng batas ng lola mo. Most of the anti-vandalism daw kasi ay municipal orders lemeng tapos ang malupit pa n’yan ‘te, marami sa mga dapat nag-i-implement ng batas ang lakas maka-epal sa mga pader at poste gamit ang mga imbang lay-out na mga kaposterang photoshop lemeng nomon. Gravity! Ang Photoshop nga naman non-surgical na, chopseuy na pampagwapo pa. O ha! Wini Cordero na talaga tayo sa Most Photoshop-dependent Politicians sa Guiness. Achieve na achieve!

Sana na-inform ka naman na ang bandalismo ay isa ring uri ng sining. Naman! Tama ang nabasa mo. Isang sining sa dahilang nakakapagpahayag ka ng damdamin ‘di ba? Hiyang-hiya naman talaga ako sa hindi nakakaalam ng graffiti, paratangan bang isang fine dining cuisine daw? May mga nagbabandal pa sa mga banyo ng masakit sa bangs na grammatically incorrect na mga patamang mensahe. Graffiti war ang peg. At mga teh’, magreview ng SVA at Spelling pag may time ha. Bandalismo, bagamat isang sining, maling paraan pa din ng pang-o-olay.


Before mag-closure ang featurette na itwes, close-up na kayo ni Bandalismo. Pero wag jumoynti sa mga nag-bababandal, sabi kasi dati ng kaibigan naming kolumnista, Psychologically ill daw ang mga ganun. Agad-agad?! Gayunpaman, na-realize ko tuloy, winner na ang mga katawang lupa namin kasi may naglululang papel ng mga nais naming ipahayag; ‘di gaya ng mga nakun­tento na lang na mag-sulat sa upuan ng bus gaya ng sabi ng ‘di namin kalayuang kaibigang si Bob. Siya ka na, gora de embang na ang mga sizzy mo.


Credits to:
Cyrine Alcantara for being a lingo consultant.

Wednesday, October 23, 2013

Friends 4 Sale



     Game app iyan sa isang social networking site, oo yan na ang social trend ngayon na nilalaro ng maraming mga bata sa kanilang formative years. Hindi ko sinubukan ang app na ‘yon, may sense of evil kasi isipin mo ha: ipagbili ang kaibigan mo kapalit ng cyber salapi? Hindi ko kaya’ yun, ‘wag ganun! Kahit laro-laro lang daw, hindi pa rin. Mahal ko ang mga kaibigan ko (ubo..ubo..), at sana hindi nila mabasa ‘to.

     Minsan isang araw, habang kinakausap ko si Roy biglang sumingit si Jeuel ng isang line na parang nagmula sa isang primetime drama script: “Kilala mo ba ‘yang kausap mo? Kilala mo ba yan Kuya Jord, ha?!” sabi niya na may bahid ng poot at panunumbat. Hello? Simula pa lang hayskul magkakilala na yung dal’wang ‘yon at since hayskul pa lang din ang nanay ko ginagamit na rin yung ekspresyong Hello? Kaya alam ko na may anomalyang naganap. Kaya, agad kong tinanong si Roy at umamin naman siya agad sa salang pagkakanulo. Nabenta sina Jeuel. Sold!



“O kaibigan, kaibigan, tatlo bente na lang oh, tapat na po oh,binabargain na”



     Meron kasi silang partnership project na binubuo malamang ng 2 miyembro lang. Sakto! 4 kaming magkakaibigan (Roy, Alquin, at Jem2) at dibisibol by 2 ‘yon kaya ‘di kami mapaghihiwa-hiwalay ng hamak na project lang, naisip siguro ni Jeuel. Kaya lang bago pa sila nakapaghati sa 2 grupo, inalok daw si Roy ng isang miyembro ng powerhouse na pumartner sa kanya. Walang anu-ano’y pumanig daw siya rito at mistulang walang pinagsisihan sa nagyari. Kaya ayun, labis na nasaktan ang kaibigan niya dahil 3 na lang silang natira at hindi na ‘yon dibisibol by 2;, na sukdulang pinipilit siyang kalimutan at idamay ako sa pagkalimot kay Roy. Pero uulitin ko,Hindi ko kaya’ yun, ‘wag ganun!(ahem..ahem..)

     Trivia: Ang powerhouse ay ang kalipunan ng mga indibidwal sa isang klase kung saan ay may reputasyon sa akademikong larangan, gay ang pagiging dean’s lister, resident top-10-exam-pointer, at may 100 points silang average IQ mean.

     Sa kagubatan, ang superior being ang may malaking chance of survivability at siyempre kasama nila bilang survivors ang mga parasite nan aka-kuyampit sa kanila. Kaya ‘yung mgatropapees ko dati, hiwa-hiwalay na kami basta may project kanya kanyang kuyampit sa mga powerhouse. Kanya-kanya kaming sales talk (euphemism ng maka-awa) para sa sari-sariling survival. Hindi dahil parasite kami, hindi lang kami magiging toong episyente bilang magkaka-grupo; sigurista siguro kung tatagurian. Friends for Lease.

     Hindi ko sinasabing parasite si Roy. Don’t get me wrong.Hindi kailanman mag-aalok ang mabangis na leon na tirahan siya ng parasitikong kuto. Ibig sabihin, inalok siya ng powerhouse with an assumption of mutual benevolence in his mind. Dapat kasi nilalawakan natin ang circle of friends natin, marahil paraan niya ‘yon ng pagpapalawak ng kanyang social life. Hindi rin masama na minsan ay lumugar tayo sa lugar na may kasiguraduhan dahil mapanganib ang gubat. Kaya dapat ang sinabi sakin ni Jeuel: “Kuya Jord buti kilala mo. yang kausap mo. Kaibigan ko yan at pinapalawak niya ang circle of friends niya dahil iniwan niya kami sa groupings para sumama sa iba. Nakaka-proud di ba?!” Ngayon, kung ako ikaw, ano isasagot mo.? Sino ang mas matimbang? Kapag ang tamang bagay ba ay may mas tama pa, nagiging mali ito?

Sunday, October 20, 2013

Kung Natutukso kang Mag-Plagiarize



 “If it had not been the Lord who was on our side...”

Basahing Suwestiyon: Psalm 124

     Minsan, mali.mali.mali. Kadalasan hindi natin nabibigyang credit ang Dakilang Manlilikha sa mga naiisip, nagagawa, o na-a-achieve natin. May point si Kuya Manix sa mga ilan niyang strips nya sa Ilayo mo kami sa Apoy ng Impyerno (check nyo na lang yung page). Anyabang kasi natin minsan. Hindi natin naiisip na wala tayong ma-a-achiebella kung hindi dahil sa isteytment na nakabold at naka-prestige elite sa taas. Kaya nagtanong-tanong ako sa mga ka-bradees ko ng mga dapat i-credit nila sa Dakilang May-Orig ng Lahat. At ito ang ilan:

#ifithadnotbeentheLordwhowasonmyside…I am nothing. –Parpa, BEEd-1

#ifithadnotbeentheLordwhowasonmyside…hindi ko mahahashtag ang ganito. Malamang G2B hashtags lang ang magagawa ko. –MyPiccoloSide, 

#ifithadnotbeentheLordwhowasonmyside…I am nothing. –Kaibigan, IT-3 (cinopy-paste lang si Parpa) 

#ifithadnotbeentheLordwhowasonmyside…It’s Satan for sure. –Josh, BAT-2

#ifithadnotbeentheLordwhowasonmyside…naliligaw nako sa nakakalitong maze ng mundong maraming na-foolish. –MyProgressiveSideA 

    #ifithadnotbeentheLordwhowasonmyside…ewan…hindi ko maimagine. Daig pa Niya ang oxygen, lagi Siyang present. Talo pa niya ang light, always Siyang visible-always on sight. He’s even far flunged reliable and convenient kesa sa drive thru, bukas rin siya 24/7. Minsan tayo lang ang na-de-deplete sa paghinga, tayo ang pumipikit, at tayo ang lumalampas lampas sa Kanya.

     Kaya acknowledge Him in all your ways. Kahit pa ikaw ang naka-discover niyan, Siya pa rin ang may Orig ng lahat ng bagay. Remember the Law of Conservation of Energy, wala tayong na-cre-create out of nothing.

Saturday, October 19, 2013

Signal No.03

Oct.07.Hapon.­ Natapos ang pagpapapakalat ng liham paanyaya sa mga hayskul at mga kalapit kolehiyo at mukhang maraming walang pakialam. Sa kabila ng nakakapawis na init ng araw, tanging panalangin na lang ng kanilang kaluluwa ang natitirang hakbang.


Oct.09.Gabi.  Pumalastar ang 3-day weather forecast at may bagyo sa Sabado. Ang araw na isisilang ang TintaKon. Tawa much. Ang init-init kaya? Sabi ng narrator sa isip ko.

Oct.10.12:30-3:50pm. Nagkaroon na ako ng pa-advance victory party sa sarili ko. Pumunta ako sa pinakamalapit na mall. Kumain, nag-sine, nagbilang ng sisiw kahit wala pang mga itlog. Bumili rin ako ng gamit para sa TintaKon:

                Filpflops (size:12)                             Php     129.00
                Bench Classic (body deo)                              85.00
                Bench Fix Professional                                   35.00
                                                                       Php       249.00
                Vatable Sale                                    Php        22.something…

Oct.11.9:00-10:00pm. Relak-relak lang kasama sina bradee Jeuel at Alquin. Kainan. Kwentuhan. Kaunting coaching tungkol sa ‘Coping with your Angry Professor 101’. Nakitulog nako para maaga sa event bukas. Isang gabi ng tawanan, lungkutan, at pagpapalakasan. Matapos ang pag-she-shake-shake-shake ng mga dalahin sa buhay oras na para mag-Look up! Dinalangin ang nalalapit nilang (pag-uusap, resbak) sa kanilang nadismayang instructor at ang TintaKon na mangyaring ipanganak kinabukasan. Habang nakapikit kami at umusal ng mga kahilingan ay dinig namin ang katahimikan ng gabi at ang mga kuliglig na na tila nakikiprayer vigil din sa amin. Kriiiih…kriiiihh…kriiiihh…

Oct.12.1:30am. Lights off!

2:30am. Ginising ako hindi ng ingay ng elektrik pan, malagaslas, malabuhangin ang alingasngas. Shhhhhhhhhhh na malakas… at tuluyang naisip ng nag-ba-buffering ko pang diwa na ito na ang Signal No.3. Lumulurok ang ulan at may dalang hangin at putek - putikan bukas. Agad pumulupot sa puso ko ang galamay ng takot: habang nilalaktawan ang ang humaharok kong katabi, hilakbot habang pinapanood ang buhos ng ulan, at pangamba habang binabasa ang mga text messages:

[number lang]
Jord tuloy pa ba ang TintaKon?
-Bebang Siy
 Oct. 12, 2:23 am

[c.perlita]
Dugie may bagyo 2m? 2loy ba bkas? Nkaliv n q s trbhao bkas.
Oct. 11, 8:45pm

[number lang]
(*some text missing) exited pra bukas #TintaKon2013
Oct. 11, 7:56pm

2:30-4:10am. Para akong nagle-labor. Lalong humihigpit ang pulupot ng mga galamay sa puso ko. Maaagas pa ata ang TintaKon. Kung itutuloy, mahirap isugal ang kaligtasan ng mga estudyante kung matuloy rin ang bagyo; marahil wala ring pumunta kahit mga speakers. Mahirap din magkansela o magre-isked ng event sa madaling araw. Yakong tumanggap ng #epicfail gay ang tineks ko kay Pusa na maaari naming sapitin bukas. Pag umatras ang speaker, kami ang sasalo at ang malupit nito wala kaming ‘de-latang’ talk. Dapat the price is right para sa sandaang piso na binayad ng campus journ. students.

Para akong nape-pera o bayong habang nagde-deal or no deal. Hindi ko alam ang perfect decision ngayon, kung atras o abante ba. Mistulang roletang mabilis na pikot-ikot sa kama, sa banyo, sa pinto, sa gate, balik sa kama habang nagre-reply sa mga nag-aaalinlangang mga delegado.  Woooh!!! Umulan bumagyo, gumuho man ang mundo; tuloy p rin ang TintaKon sa kabila ng nagaalinlagan din ako. Nang oras na iyon  ako ang weakest link, hindi ako kakasa sa grade 5, at Pilipinas, hindi ako game sa aberyang ito.

Sa kabila ng dilim at lakas ng unos, pumikit ako at nakahanap ako ng liwanag sa loob ko habang humharok pa rin ang kasama ko sa kwarto. Nakalimutan ko na ang Head-of-all-Events ay minsan ng nakapagpatigil ng unos, tsunami-level pa nga iyon. Signal NO.3 lang ito. Nakakahiyang sabihin pero hindi ko nakita ang dinoflagellate ng kawalang-bilib na nag-evolve sa isang makuyampit na octopus ng takot ng masakluban ng bagyo ang Events-Head. Isinuka ko ang octopus. Nabasag ang panubigan at ipapanganak ang TintaKon anuman ang mangyari.

4:20am. Lights off na ulit.

5:44am. Nagising ako ng naglalagablab sa pag-asa kahit umuulan pa rin. Bumangon ako ng umaapoy sa determinasyon at kumukulo ang tiyan-Rated PG nako.

[-ron]
Ano? 2loy b si bebang?

[bebang.]
Waaaaah! Hindi ako marunong magpasa load. Mlakas ang ulan dito L

[reply1]
D2 qnti n lng. Dalang hangin n lng to. Ox lng khit mejo malate kau.  (khit wlang kasigurduhang titila)

[reply2]
[no. ni pusa] upd8 nyu po kmi ni eic kung nasan na kau (khit d q cgurado qng 22loy siya,)

[replies nth]
blah..blah...blah (basta tuloy ka..)

             Dahil gising na si Alquin, pinaistasyon ko siya sa bahagi ng bahay na may signal habang ako’y maliligo at binilinang katukin agad ako kung magtext si bebang. Habang kinkapa-kapa ko ang lamig ng tubig sinasabi ko sa sarili ko na ipapanganak mamaya lang ang TintaKon by ceasarian o overdose ng oxytocin.

6:20am Naghain na si Pastor Abner (tatay ni Jeuel) ng Reno at pandesal . Si Jeuel humaharok pa, hindi siguro maka-tulog ng maayos dahil na-istrytan ko siya ng 10 panalo (paunahang makahula) sa 4 pics 1 word. Nagpakulo ng tubig si Alquin kahit hindi naman niya bahay ‘yon. Wala pang sikat ng araw. Wala pang text si bebang. Toot!

[bebang.]
[read]
Ok. Nsa terminal na kmi. Mlakas ang ulan dito.

Humigop ako ng kape. Uhhmm…para akong nakasagot ng million-peso question.

"Wag malungkot, gumawa ng Hakbang!"


Other title:
Ang Oktupus sa Aking Dibdib.


Pasasalamat:

Kay Jomari Wilson - para sa kanyang guhit.

Pampolina Family – para sa palaging bukas ang bahay nila. Mga akayat-bahay gang what are you waiting for? Haha. Sa bukas nilang kusina, maraming salamat po!

Alquin – sa pagiging official bedmate kapag may pajama party kami.

Alvin Ursua – sa mga joke niya binahagi niya nung TintaKon na nagpataas ng kalibre ng humor ko.  Naging conscious tuloy ako sa tamang paraan sa pag-amoy ng kili-kili ko. Ser, madaming nag-text na nagsulat daw sila ng tula pag-uwi nila.

Bebang Siy – sa mga da moves niya na binahagi na nagbigay inspirasyon sa marami na sumayaw din. Sa pag-e-effort sa pag-ga-gown at mga tips kung san mura ang mga damit.

Ronald Verzo – sa kaniyang sobrang kaingayan. Char lang. Sa kanyang pagiging opisyal na potograper ng kanyang fiyansey (mapapangasawa). At sa bubuuin nating e-book . Tenkyu in advance.

Sa mga delegado – sa pagpunta kahit maputik at may kalayuan. Tiba-tiba naman tayo dahil na-sandwich talaga tayo ng drama, komedya, inspirasyon, at higit sa lahat kaalaman.

Sa mga hindi pumunta – wari ko’y luge kayo ngay-own. Salamat pa rin.


Sa EVENT HEAD (BOSS)– Maraming Salamat po! Sa uulitin.