Monday, October 28, 2013

Free Burgers For All

Oct.11, Friday – SLSU Tiaong. Bumaha ng mineral water at cheese burger sa unibersidad sa pangunguna ng Gideons (isang grupo mula sa California, US) at Kubo Ministri (LWCF-Campus Ministry) Leaders mula 10:00 am-12:00pm, na naging libreng tanghalian na, para sa ibang nagtitipid na estudyante. Ang nasabing pilantropong gawain ay pagbabalik pasasalamat ng nasabing grupo sa kanilang tinatamasang pagpapala. Higit lalong mabuti sa lahat ay nakatanggap ang bawat is ang libreng Bibliya (Bagong Tipan).

Taon-taon hawak ng Bibliya ang Guiness World Record sa pagiging bestseller. Oo, may bumibili ng Bibles kahit maraming pinamimigay at downloadable na kopya nito. Ayon din sa datos na nakalap ng 2012 Readership Survey ng National Book Development Board, ang Bibliya ang pinakasikat at pinakamadalas na basahing non-school book ng mga Pilipino (58%). Taob sina J.K Rowling, Suzzane Collines, at Bob Ong! Pero aminin nyo man o hindi, na mas natuwa tayo sa burger kesa sa salita ng Diyos. Nakakalungkot isipin na may mga taong hindi nagpahalaga sa pinamigay na Bibliya sa bagay ito na ang panahon na pinakiinggan na lang ng tao ang gusto nilang pakinngan. Kebs na kung totoo o hindi.  Gayunpaman, alam naming hindi nasayang ang pagpapagal ng mga taga-Gideons sa pamamahagi ng pinakamatanda at pinakamataas na antas ng panitikan na kayang bumago ng buhay.

            Isa sa mga kwento ng buhay na napakinggan ko ay ang kwento ng isang 65-taon na lola na namumuti na rin ang buhok. Halata na matagal na siyang naninirahan sa Estados Unidos dahil sa acquired niyang accent pero mahusay pa rin siyang managalog. Gaya ng maraming success story, galing rin siya ng mahirap na pamilya, pero nagkaron siya ng educational grant sa uste. Siyempre mayayaman ang kaklase niya ‘ron, nabanggit niya na kaklase niya noon ang mga apo ni Lucio Tan at Henry Sy. Kapag tanghalian may baon lang siya na pandesal na may palaman namang matamis kahit papano at inuutay niya yung kainin sa library, ngiti na lang ang isinasagot niya sa librarian kapag tinatanong siya kung bakit nasa libarary siya gayong lunch time. Pagkatapos ng kukutin niyang pandesal, tatakbo naman siya sa fountain na inaapakan para uminom ng panulak. Sabi ko nga sa katabi ko non: “Grrrabeh no? Mapalad pa tayo dahil nakakapag-Mami pa tayo minsan-minsan.”.Pero dahil nag-aral siya ng mabuti at God honored her efforts naman. Nakapanirahan siya sa US at nagkaron ng magandang buhay.

            Hindi ko alam kung anong trabaho niya sa US pero nabanggit niya na naging cab driver siya ron ng maikwento niya na sinusundo niya ang anak niya mula sa school. Malamang hindi ‘yon agad-agad milk and honey, nagpawis pa rin siya sa mahalumigmig na Amerika.

“Minsan sinundo ko yung anak ko from school, nag-taxi driver ako dati sa Amerika e. Napansin ko malungkot ang anak ko. Sad face. Gloomy.” Sabi niya na halatang isang nanay na nag-aalala.

“Well, pinagpahinga ko muna siya sa kwarto, pinagmerienda. You know, nakakapagod sa school so I let him rest before I talked to him.”

Nang makausap niya ang anak niya ay nalaman niya na nalungkot ito ng mag-cheat sa exam because he wanted to be the first, to be on top daw.

“Alam mo ba, na nag-cheat rin si Mama sa school?” Pag-aalo niya sa anak at dun niya lang nakitaan ng liwanag ang mukha ng anak niya. Wala naman talagang excuse sa failure, error, at kahit sa pagkakasala. Binigyan niya ng diin ang pagtalikod sa kasalanan, pagtitiwala kay Hesus bilang Dios at Tagapagligtas, at ang bagong buhay na maaring matamasa. Sa 60 taon na nakilala niya ang Dios mula sa Bibliya at karanasan sa buhay, pinagpala siya at ang kanyang sambahayan at nais niya itong ibahagi sa Pilipinas. Kaya mula 1980, sa kabutiha’t biyaya ng Dios at taon-taon silang umuuwi sa Pilipinas para sa mga ganitong gawain. Habang ibinabahagi niya ang kanyang kwento, hindi niya napigilang maging emosyonal dulot ng kaligayahan. Ang mga buhok ni lola ay halatang pinaputi ng mga malulungkot, masasaya, at matitinding karanasan.

            “the best thing in the world is still free for all..”

            Si lola na may baong pandesal sa tanghalian ay isa sa mga pinagpalang maging kasangkapan para magbahagi ng burgers sa tanghalian sa buong SLSU-Tiaong.


No comments: