Monday, October 7, 2013

Look up!



“… our bones are dried, and hope is lost: we are cut off for our parts.”

Basahing Suwestiyon: Ezek.37, 36

Backgrounder: ‘Yung mga Israelites ay nasa ilalim ng Babylonian Empire; nalalala mo yung World History teacher mo nung hayskul? Siyempre dahil ito sa mga atraso nila kay Boss at hindi lang sa dahil military genius ang mga lider nito. Tas’ eto na nga, nag-prophesy sa kanila si Ezekiel na muli ay mabubuo ang bansang Israel at lumikha ng everlasting covenant sa kanila ang Boss of All Bosses. Tandaan mga bata na every time na may babali sa covenant hindi si Boss yun, kundi laging tayo. 

Nakakatuwa. Kaninang umaga habang nag-iigib ako ng tubig sa poso ang daming tubig. ‘Yung tipong: isang tungga mo lang bumubuhos agad ‘yung tubig tapos bumubulwak pa ito dun sa spout o dun sa butas na may tubo na nagtataas-baba. So ako naman tungga-tungga lang at pinapabulwak pa yung tubig sa ispawt. Ewan, Masaya ako ron eh. Ilang araw na kasing umuulan kaya marahil dahil sa percolation ng tubig mula sa soil surface ay umaapaw ang mga aquifers at nagiging dahilan upang tumaas ang water table kaya bumubbulwak ang poso pag binomba. Spooosh….

Naalala ko nung summer, kailangan pang bayuhin yung poso para maglabas ito ng tubig. Magkakamasel ka talaga bago ka makapuno ng tubig, nakagawa pa nga ako ng tula ukol don. 

Weathera-weather lang ika-nga ni Kuya Kim. Minsan sagana, minsan walang-wala. Kung wala, natutuyuan rin tayo ng pag-asa. Oo, totoo na nakakapagod ang bumomba pero hindi ‘yon dahilan para huminto. Laging tandaan na kung maselado kana kabobomba at walang tubig na mkuha may maaring magpanom ng tubig sa tigahw nating lalamunan at magpaligo pa nga sa npapagal nating kalamnan. Kaya sa oras na matuyo ang balon, look up at bubuhos rin ang ulan.

No comments: