Monday, October 14, 2013

#MedyoBadBoy



Madali akong maasar sa kapatid kong sumunod sakin, at kahit asar talo ako sa maraming pagkakataon ako ang nagtitimpi sa argumento at binubuhos ko ang galit sa pagsinga ko sa mga damit niya o di kaya pag-gamit nito bilang pamunas sa’king gabuking sapatos. #medyobadboy
(Justification: mga di-kulay at tubal naman ‘yon at mas mabuti 'yon kesa dumanak ang dugo)

“Nasa’yo na ang baon mo?” tanong ng nagpapakapagod upang igapang ang edukasyon ko-si Inay; “wala pa” (kahit meron na) at pag nakadoble, yey! May budget nako para sa Chuckie! #Tamisngtagumpay. Pait ng konsensya.
(Justification: suuuuper minsan lang naman yun kapag suuuper gipit ako)

Paborito kong sumakay sa tabi ng driver’s seat sa dyip 'pag papasok sa iskul kasi may sandalan ng kilod, minsan may sandalan pa ng batok napaka comfy para manalangin. Wala kasing makikisuyo ng bayad, kaya pokus lang. Pero matapos ko sa banal na gawain kong ito ay kasunod na ang hokus pokus na gawain-bumatos pala ako(Cumedie Laygo) !!! #medyobadboy 
(Justification: Honest mistake lang. Nakakalimot lang talaga ako; kaya minsan nga 10 piso na binabayad ko imbes na 8 para ma-unti-unti ko yung mga utang ko sa mga drayber.)
Full-time editor ako. Makarinig lang ako ng maling grammar, usage, o pronunciation ay nababagabag na ang grey matters ko. Mapalad kana kung itatama kita right away, pero madalas bumubunghalit ako ng tawa. #medyobadboy
(Justification: Hahayaan lang ba natin ang mga tao lalo na ang mga ka-bradee natin, at mabuhay sa kamalian kung pwede naman silang ituwid dahil ang buhay ay serye ng pagkakamali’t pagtatama. Lusot!)

Medyo de-makina ang titser ko rati sa Math. Minsan nga naisip ko na baka cyborg si ser, kasi para siyang naka-program. Dadadada…toot..Dadadada kaya naman ginamit ko ang pagsusulat bilang panlaban sa antok. Habang naglelektsur siya, gumagawa ako ng sanaysay, haiku, short story, nobeleta, maari na nga akong makagawa ng antolohiya. Minsan after ng diskusyon ay nagpa-activity siya, nagulat ako dahil wala yun sa routine niya, may modification ba sa sa program? Hindi ko alam ang gagawin ko, hanggang… “Uy Jord pabasa ng ginawa mo?” at siyempre may kondisyon ako… #medyobadboy
(Justification: May bunga ang  pagsusulat.)
(Trivia: ito yung subject na inuulit ko ngayon!)

Minsan sa sobrang kawalan ng mood, hinahanap ko ito sa pagmo-movie marathon sa Traviesa (Publication Opis). Oo, ginagamit ko ito (PC, kuryente ng iskul) sa pagmamarathon, angal ka?; Ikolum kita dyan, ‘no ha?!ha! Tapos sasadyaing kong magpakita sa inabsentan kong instructor. ‘No asar ka no? Baket, ako lang ba ang palaging maasar sayo? Unfair yun. #medyobadboy
(Justification: You may call it as a corruption pero perks ‘yon ng pagiging campus journalist at nagagawa ko naman ang trabaho ko ng maayos bilang editor. Yung pang-aasar portion, wala naaasar lang din talaga ako.)

“I am bad and that’s not good. I’ll never be good and that’s not bad.” galing sa isang Disney movie-Wreck it Ralph. Totoo na walang likas na mabuti pero ang alam ko hindi tayo nag-eexist ngayon para maghasik ng kasamaan gaya ng mga[*censored by the Republic of the Philippines]. Enough of self-justifications. Kahit medyo lang, hindi maganda ang pagiging bad boy gaya ng mga nagawa ko at ng dinidikta ng media satin. ‘Yung bandang huli na mga gawain, nawaksi ko na ‘yon sa tulong ni #SuperGoodBOSS. Ang mga araw ng pagiging bad boy ay lumipas na, medyogoodboy nako ngayon.

     “…old things are passed away, behold all things are become new.”

No comments: