Wednesday, October 2, 2013

Oktubreng Oktupus



Waaaah!!!!!
Sigaw ng isip na walang mapigang malikhaing tinta,
Binalot ng lumot ang utak,
Wala. Wala na nga ata,

Binalot ng walong galamay ng malupit na buhay,
Kaabalahan, pressure, at deadline na walang humpay,
Paghihirap, prokrastinasyon, at katamaran,
Kasabay ng takot at alinlangan.



Kaya abangan ang mga iniskedyul na mga posts. Sisimulan ng panayam kay Babe Ang. Susundan ng mga natatanging sanaysay, paglapat ng tinta at likhaan sa TintaCon2013, pagpapalaganap ng pag-ibig sa Araw ng Siopao, at pagkayat ng LOGA.

Malamang ngayong buwan din maumpisahang itawid ang Crossing at isapapel ang mga nilulutong ideyalismo. Marahil magbukas na rin ang LOGA1. Sabay-sabay nating higupin sa presyong Php 7.50

Kaya’t sabay-sabay tayong sumisid ng Oktubreng Oktupus sa kabaduyan ng konsepto ko ngayong buwan. Pasensya na, ambisi-bisi ko lang talaga.

No comments: