Saturday, October 19, 2013

Signal No.03

Oct.07.Hapon.­ Natapos ang pagpapapakalat ng liham paanyaya sa mga hayskul at mga kalapit kolehiyo at mukhang maraming walang pakialam. Sa kabila ng nakakapawis na init ng araw, tanging panalangin na lang ng kanilang kaluluwa ang natitirang hakbang.


Oct.09.Gabi.  Pumalastar ang 3-day weather forecast at may bagyo sa Sabado. Ang araw na isisilang ang TintaKon. Tawa much. Ang init-init kaya? Sabi ng narrator sa isip ko.

Oct.10.12:30-3:50pm. Nagkaroon na ako ng pa-advance victory party sa sarili ko. Pumunta ako sa pinakamalapit na mall. Kumain, nag-sine, nagbilang ng sisiw kahit wala pang mga itlog. Bumili rin ako ng gamit para sa TintaKon:

                Filpflops (size:12)                             Php     129.00
                Bench Classic (body deo)                              85.00
                Bench Fix Professional                                   35.00
                                                                       Php       249.00
                Vatable Sale                                    Php        22.something…

Oct.11.9:00-10:00pm. Relak-relak lang kasama sina bradee Jeuel at Alquin. Kainan. Kwentuhan. Kaunting coaching tungkol sa ‘Coping with your Angry Professor 101’. Nakitulog nako para maaga sa event bukas. Isang gabi ng tawanan, lungkutan, at pagpapalakasan. Matapos ang pag-she-shake-shake-shake ng mga dalahin sa buhay oras na para mag-Look up! Dinalangin ang nalalapit nilang (pag-uusap, resbak) sa kanilang nadismayang instructor at ang TintaKon na mangyaring ipanganak kinabukasan. Habang nakapikit kami at umusal ng mga kahilingan ay dinig namin ang katahimikan ng gabi at ang mga kuliglig na na tila nakikiprayer vigil din sa amin. Kriiiih…kriiiihh…kriiiihh…

Oct.12.1:30am. Lights off!

2:30am. Ginising ako hindi ng ingay ng elektrik pan, malagaslas, malabuhangin ang alingasngas. Shhhhhhhhhhh na malakas… at tuluyang naisip ng nag-ba-buffering ko pang diwa na ito na ang Signal No.3. Lumulurok ang ulan at may dalang hangin at putek - putikan bukas. Agad pumulupot sa puso ko ang galamay ng takot: habang nilalaktawan ang ang humaharok kong katabi, hilakbot habang pinapanood ang buhos ng ulan, at pangamba habang binabasa ang mga text messages:

[number lang]
Jord tuloy pa ba ang TintaKon?
-Bebang Siy
 Oct. 12, 2:23 am

[c.perlita]
Dugie may bagyo 2m? 2loy ba bkas? Nkaliv n q s trbhao bkas.
Oct. 11, 8:45pm

[number lang]
(*some text missing) exited pra bukas #TintaKon2013
Oct. 11, 7:56pm

2:30-4:10am. Para akong nagle-labor. Lalong humihigpit ang pulupot ng mga galamay sa puso ko. Maaagas pa ata ang TintaKon. Kung itutuloy, mahirap isugal ang kaligtasan ng mga estudyante kung matuloy rin ang bagyo; marahil wala ring pumunta kahit mga speakers. Mahirap din magkansela o magre-isked ng event sa madaling araw. Yakong tumanggap ng #epicfail gay ang tineks ko kay Pusa na maaari naming sapitin bukas. Pag umatras ang speaker, kami ang sasalo at ang malupit nito wala kaming ‘de-latang’ talk. Dapat the price is right para sa sandaang piso na binayad ng campus journ. students.

Para akong nape-pera o bayong habang nagde-deal or no deal. Hindi ko alam ang perfect decision ngayon, kung atras o abante ba. Mistulang roletang mabilis na pikot-ikot sa kama, sa banyo, sa pinto, sa gate, balik sa kama habang nagre-reply sa mga nag-aaalinlangang mga delegado.  Woooh!!! Umulan bumagyo, gumuho man ang mundo; tuloy p rin ang TintaKon sa kabila ng nagaalinlagan din ako. Nang oras na iyon  ako ang weakest link, hindi ako kakasa sa grade 5, at Pilipinas, hindi ako game sa aberyang ito.

Sa kabila ng dilim at lakas ng unos, pumikit ako at nakahanap ako ng liwanag sa loob ko habang humharok pa rin ang kasama ko sa kwarto. Nakalimutan ko na ang Head-of-all-Events ay minsan ng nakapagpatigil ng unos, tsunami-level pa nga iyon. Signal NO.3 lang ito. Nakakahiyang sabihin pero hindi ko nakita ang dinoflagellate ng kawalang-bilib na nag-evolve sa isang makuyampit na octopus ng takot ng masakluban ng bagyo ang Events-Head. Isinuka ko ang octopus. Nabasag ang panubigan at ipapanganak ang TintaKon anuman ang mangyari.

4:20am. Lights off na ulit.

5:44am. Nagising ako ng naglalagablab sa pag-asa kahit umuulan pa rin. Bumangon ako ng umaapoy sa determinasyon at kumukulo ang tiyan-Rated PG nako.

[-ron]
Ano? 2loy b si bebang?

[bebang.]
Waaaaah! Hindi ako marunong magpasa load. Mlakas ang ulan dito L

[reply1]
D2 qnti n lng. Dalang hangin n lng to. Ox lng khit mejo malate kau.  (khit wlang kasigurduhang titila)

[reply2]
[no. ni pusa] upd8 nyu po kmi ni eic kung nasan na kau (khit d q cgurado qng 22loy siya,)

[replies nth]
blah..blah...blah (basta tuloy ka..)

             Dahil gising na si Alquin, pinaistasyon ko siya sa bahagi ng bahay na may signal habang ako’y maliligo at binilinang katukin agad ako kung magtext si bebang. Habang kinkapa-kapa ko ang lamig ng tubig sinasabi ko sa sarili ko na ipapanganak mamaya lang ang TintaKon by ceasarian o overdose ng oxytocin.

6:20am Naghain na si Pastor Abner (tatay ni Jeuel) ng Reno at pandesal . Si Jeuel humaharok pa, hindi siguro maka-tulog ng maayos dahil na-istrytan ko siya ng 10 panalo (paunahang makahula) sa 4 pics 1 word. Nagpakulo ng tubig si Alquin kahit hindi naman niya bahay ‘yon. Wala pang sikat ng araw. Wala pang text si bebang. Toot!

[bebang.]
[read]
Ok. Nsa terminal na kmi. Mlakas ang ulan dito.

Humigop ako ng kape. Uhhmm…para akong nakasagot ng million-peso question.

"Wag malungkot, gumawa ng Hakbang!"


Other title:
Ang Oktupus sa Aking Dibdib.


Pasasalamat:

Kay Jomari Wilson - para sa kanyang guhit.

Pampolina Family – para sa palaging bukas ang bahay nila. Mga akayat-bahay gang what are you waiting for? Haha. Sa bukas nilang kusina, maraming salamat po!

Alquin – sa pagiging official bedmate kapag may pajama party kami.

Alvin Ursua – sa mga joke niya binahagi niya nung TintaKon na nagpataas ng kalibre ng humor ko.  Naging conscious tuloy ako sa tamang paraan sa pag-amoy ng kili-kili ko. Ser, madaming nag-text na nagsulat daw sila ng tula pag-uwi nila.

Bebang Siy – sa mga da moves niya na binahagi na nagbigay inspirasyon sa marami na sumayaw din. Sa pag-e-effort sa pag-ga-gown at mga tips kung san mura ang mga damit.

Ronald Verzo – sa kaniyang sobrang kaingayan. Char lang. Sa kanyang pagiging opisyal na potograper ng kanyang fiyansey (mapapangasawa). At sa bubuuin nating e-book . Tenkyu in advance.

Sa mga delegado – sa pagpunta kahit maputik at may kalayuan. Tiba-tiba naman tayo dahil na-sandwich talaga tayo ng drama, komedya, inspirasyon, at higit sa lahat kaalaman.

Sa mga hindi pumunta – wari ko’y luge kayo ngay-own. Salamat pa rin.


Sa EVENT HEAD (BOSS)– Maraming Salamat po! Sa uulitin.

No comments: