Wednesday, October 23, 2013

Friends 4 Sale



     Game app iyan sa isang social networking site, oo yan na ang social trend ngayon na nilalaro ng maraming mga bata sa kanilang formative years. Hindi ko sinubukan ang app na ‘yon, may sense of evil kasi isipin mo ha: ipagbili ang kaibigan mo kapalit ng cyber salapi? Hindi ko kaya’ yun, ‘wag ganun! Kahit laro-laro lang daw, hindi pa rin. Mahal ko ang mga kaibigan ko (ubo..ubo..), at sana hindi nila mabasa ‘to.

     Minsan isang araw, habang kinakausap ko si Roy biglang sumingit si Jeuel ng isang line na parang nagmula sa isang primetime drama script: “Kilala mo ba ‘yang kausap mo? Kilala mo ba yan Kuya Jord, ha?!” sabi niya na may bahid ng poot at panunumbat. Hello? Simula pa lang hayskul magkakilala na yung dal’wang ‘yon at since hayskul pa lang din ang nanay ko ginagamit na rin yung ekspresyong Hello? Kaya alam ko na may anomalyang naganap. Kaya, agad kong tinanong si Roy at umamin naman siya agad sa salang pagkakanulo. Nabenta sina Jeuel. Sold!



“O kaibigan, kaibigan, tatlo bente na lang oh, tapat na po oh,binabargain na”



     Meron kasi silang partnership project na binubuo malamang ng 2 miyembro lang. Sakto! 4 kaming magkakaibigan (Roy, Alquin, at Jem2) at dibisibol by 2 ‘yon kaya ‘di kami mapaghihiwa-hiwalay ng hamak na project lang, naisip siguro ni Jeuel. Kaya lang bago pa sila nakapaghati sa 2 grupo, inalok daw si Roy ng isang miyembro ng powerhouse na pumartner sa kanya. Walang anu-ano’y pumanig daw siya rito at mistulang walang pinagsisihan sa nagyari. Kaya ayun, labis na nasaktan ang kaibigan niya dahil 3 na lang silang natira at hindi na ‘yon dibisibol by 2;, na sukdulang pinipilit siyang kalimutan at idamay ako sa pagkalimot kay Roy. Pero uulitin ko,Hindi ko kaya’ yun, ‘wag ganun!(ahem..ahem..)

     Trivia: Ang powerhouse ay ang kalipunan ng mga indibidwal sa isang klase kung saan ay may reputasyon sa akademikong larangan, gay ang pagiging dean’s lister, resident top-10-exam-pointer, at may 100 points silang average IQ mean.

     Sa kagubatan, ang superior being ang may malaking chance of survivability at siyempre kasama nila bilang survivors ang mga parasite nan aka-kuyampit sa kanila. Kaya ‘yung mgatropapees ko dati, hiwa-hiwalay na kami basta may project kanya kanyang kuyampit sa mga powerhouse. Kanya-kanya kaming sales talk (euphemism ng maka-awa) para sa sari-sariling survival. Hindi dahil parasite kami, hindi lang kami magiging toong episyente bilang magkaka-grupo; sigurista siguro kung tatagurian. Friends for Lease.

     Hindi ko sinasabing parasite si Roy. Don’t get me wrong.Hindi kailanman mag-aalok ang mabangis na leon na tirahan siya ng parasitikong kuto. Ibig sabihin, inalok siya ng powerhouse with an assumption of mutual benevolence in his mind. Dapat kasi nilalawakan natin ang circle of friends natin, marahil paraan niya ‘yon ng pagpapalawak ng kanyang social life. Hindi rin masama na minsan ay lumugar tayo sa lugar na may kasiguraduhan dahil mapanganib ang gubat. Kaya dapat ang sinabi sakin ni Jeuel: “Kuya Jord buti kilala mo. yang kausap mo. Kaibigan ko yan at pinapalawak niya ang circle of friends niya dahil iniwan niya kami sa groupings para sumama sa iba. Nakaka-proud di ba?!” Ngayon, kung ako ikaw, ano isasagot mo.? Sino ang mas matimbang? Kapag ang tamang bagay ba ay may mas tama pa, nagiging mali ito?

No comments: