“Ang wika ay dinamiko” Sabin g
FIL01, ibig sabihin ito’y nagbabago gaya ng panaghon, histura, ugali, isip ng
jowa, at halos lahat sa mundo maliban sa isang bagay na konstant-ang pagbabago
itself.
Gaya ng salitang kaibigan na
dati’y amigo, kabalaybay-bunga, kumpadre, pare,
pards, repa, repapeeps, tropa, friendship!, friendster, berks,
fren-fren, at marahil sa marami pang anyo habang napipilas ang pahina ng
panahon.
Iba-ibang kombinasyon, combo,
fusion, ng mga ponema at morpema na tumutukoy lang sa parehong pakuhulugan at
‘yon ang simpleng paliwanag ko sa katangiang dinamiko. At ang uso, patok, in,
hip, trending, ngayon na marahil napapansin mo rin ay ang pag-gamit ng
personalized pandiwa na ang pangalang pantangi (proper noun) ay may
pakahulugang pandiwa (verb) o Panlarawan (adjective) gaya ng i-Aryana,
i-Kathryn Bernardo, atbp. na mistulang kumalat din sa mga memes tulad ng
Jinanine Tugonon, Na-Joroos Gamboa, Ginerald Anderson, at worst level ang
Chinito at Winally Bayola.
Dala siguro ng daloy ng
mainstream, naki-uso kami at nakagawa ng mga personalized pandiwa sa bilog n
gaming pagkakaibigan. Ang mga pandiwang katambal ay may gawi o pagkakamali na
isinama na sa buong pagkatao ng may pangalan.
Jumuel Pampolina (Jeuel) – tulog,
natulog, matutulog, also: inaantok
Cinedie Laygo (Cedie) – hindi
nakapag-pray bago kumain, hindi nagbayad sa jeep, naiwan dahil nakalimutan,
nauntog, (yung unang dal’wang kahulugan ay binntang lang daw sa kanya)
Jumoshua Cerrudo (Joshua) – kain,
kumain, kakain
Umordenia Ocampo (Ordenia) –
umutot (kasama niya ang pamangkin niya non, di umano’y yung pamangkin niya raw
ang umutot, sabi naman ng iba ginawa lang raw human shield yung bata)
NiRoy Leycano (Roy)- higher
degree ng Cinedie Laygo, naiwan dahil sinadya sa kabila ng may pinag-usapan
kayo (deserted deliberately destroying covenants)
JumuJord Gadingan (Ako) – nagjoke ng korny at waley
Minsan lang ako bumitaw ng korni na-joke kaya inaward sakin
‘to. Alam mo yung feeling na pag may nag-bitaw ng krni na joke at waley, sayo
ang sisi. Kaya ngayon ang lakas ng loob nilang mag-joke lalo na at nandun ako.
Human shield din ako ng kawalan ng humor. Hindi ba verbal bullying ‘to?
Saklolo.
Mga tsong, try nyo rin sa dabarkads nyo!
No comments:
Post a Comment