Friday, October 18, 2013

Puktong-Puktong

Naalala niyo pa ba ang pabula ng Langgam at Tipaklong? Yung habang tag-araw ay ipon ng ipon si Langgam habang laro ng laro si Tipaklong. Tapos dumating ang ulan(a. hinabol sila b. walang makain si tipaklong) kung b. ang sagot mo,alam mo nga ‘yung kwento. Pero nito lang naisip ko na hindi ba masyadong workaholic naman ni Langgam at tila pag-iipon na lang para sa tag-ulan ang inatupag nila? Paano nalang ang masayang tag-araw? Dapat kase balanse.

Ginamit ko kasing illustration ito ng magbahagi ako ng pamamahalang pananalapi. Mga langgam rin kasi ang ginamit na ilustrasyon sa kawikaan(proverbs) sa Bible sa pagiging ehemplo sa kasipagan,kasinupan, at pagwaksi sa kawalan ng ginagawa ( rejection to idleness). Mistulang pambatang halimbawa pero pag-all ages ang mensahe. Natutunan ko ang pabula at kawikaang ito noong mga araw ko sa elementarya.

“Puktong-puktong” bata pa si nene, marunong ng manahi?!” ang gigil at utal na tanong sakin ni Aaron, isa sa mga bata na natutunan naming tuwing sabado. Nasundan pa ito ng ilang klasikong bugtong mula sa ibang bata. Mga Ayan-na-Ayan-na-di-pa-makita-levels lang naman,yung mga bugtong na mababasa mo mga tig-sasampung pisong Bugtungang Collections sa mga cidera(tiangge) kada magpipista ang bayan. Ang simpleng palitan ng bugtong ay nagdulot ngmga hagalpak ng tawanan dahil sa sobrang pahat pa ng diwa ng ibang bata ay hindi nila maggiling ang konseptong pa-tayutay.

Naalala ko nung 4th year hayskul pako,halos puro excerpt ng mga panitikan mula Thailand, at iba pang karatig bansa ang takdang aralin. El Fili Miliminas at Wang Sugat ang natandaan kong pilipinong panitikan ang napg-aralan naming. Nakakatawa nga dahil nito lang ay umaalingawngaw na pinahina ni Sec. DepEd Armin Luistro ang bagong kurikulum para sa basic education ng pag-isahin niya ang Worl at Philippine Literature.

Sa pagtangkili sa merkado at media, alam natin kung gaano kaapi ang panitikang Pilipino gay ang mga local na produkto, pelikula at musikang Pilipino. Ang mga  tem ang palabas sa telebisyon mga hango sa banyagang panitikan, ang mga bestsellers sa mga bookstore sa Pilipinas , foreign writers ang nananagana, sa akademya/paaralan na lang makakabawi ang panitikang pambansa sinamahan pa ng mga banyagang panitikan. Oo, magandang malaman din natin ang panitikan nila para sa mas maunlad na pakikipagkapwa pero mas mahalagang malaman ang sariling panitikan upang malaman at makilala ang sariling wika, kultura, kasaysayan at iba pang katutubong pamana.Ubo.Ubo!

Dahak.Dura. Hindi ba’t nais nating iwaksi ang kolonyal na mentalidad?Hindi ba’t nais nating mapaunlad ang sariling bayan?Bakit hanggang  sa curriculum for Basic Education ay kolonyal ang orientasyon?Hayan na ang problema, Hyan na ang solusyon. Hindi pa Makita ang aksyon. Baka puro pahangin lang ang administrasyon.
Nakakatakot na dumating ang araw na wala ng may alam ng Langgam at Tipaklong o batang may kakayahang magbugtong. 

No comments: