Friday, December 27, 2013

Bentilador


Unti-unti, 
Madahang umpisa, 
Nag-aaral,nangangapa, 
Walang muwang. 


Hinay-hinay, 
Dumalas ang danas, 
Nagkakaron ng hangin, 
Naging bagito. 


Ulit-ulit, 
Bumilis ang andar, 
Kinalawang, umalikabok, 
Mistulang eksperto. 


Ikot-ikot. 
Huminay, Huminto sumandali, 
Bumebwelo sa muling pag-ikot, 
Isang mangmang.

No comments: