"Grade 4. Nagbukasan na ng regalo ang mga mga kaklase kong lalake no'n at halos puro pellet gun. Sikat noon ang Double Eagle. Barilang-barilan sila, ang natanggap ko mug, may stuffed toy na reindeer pa. Kuchi-kuchi-kuch!"
Hindi ko kwento yan sa kaibigan ko 'yan. Nakakainis nga, wala akong masyadong maalala tungkol sa mga exchange-gift-experiences ko. Hindi lang talaga ako appreciative at sentimental. Of all monito-monita ang natatandaan ko lang ay ang niregalo kong malutuan at tsokolate nung Grade 5 at natanggap kong lvl-up game load noong 3rd year hayskul ako. The rest ng natanggap at binigay ko ay hindi ko na makita sa alaala ko. Parang nasa makintab na pabalat. Nabalot na sa limot sa tagal ng panahon.
Nakita kasi namin ang mga pauwing nasa hayskul. May tropa-tropa, magjojowa, at loner na naglalakad sa kalye ng Recto at Donya Concha. Hindi nakauniporme, naka-Famas (ko). Patingkaran ng colored pants ang mga lalake at palupitan ng pili-pilipit na braids ang mga babae. Lahat bisting-bisti kasi nga Christmas Parteh.
Lahat may biya-biyabit, mga nakuha 'atang mga regalo. Iba-ibang hugis, kulay, at laki. At gaya ng kanilang mga biyabit, ay iba-iba rin ang hitsura nila. May makulay, magaan, at masaya. Meron din naman gusumot, lukot, at malungkot. Bakit kaya malungkot ang monito(a)?
A. Naluge sa natanggap.
B. Nakatanggap ng piktyur preym o goodmorning towel.
C. Eco-friendly ang nakuhang regalo dahil mukhang pinunasang pigurin lang sa salas ang natanggap. Recycled.
D. Monita ng jowa mo ang Ex nya.
E. Nag-assume na si crush ang nakabunot sa kanya.
F. At ang pinakamasahol, Absent yung nakabunot sa kanya.
Pero tingnan din natin yung brighter side, bakit masaya yung ibang monita(o)?
A. Nakatanggap ng pictyur preym pero galing sa jowa.
B. Nabunot si Ex. at mahal pa niya ito.
C. Nakatanggap ng Libro (walang nagreregalo niyan, kaya dapat magdiwang ka!)
D. Nakatanggap ng 1year supply ng intermediate pad. Yey! Hindi ka na manghihingi/manglilimos!
F. Kahit di kamahalan ang natanggap, hapi pa rin kasi bertdey ni Christ.
At parang wala namang letter F.
Hindi naman kasi dapat ang kaisipan ay kung mas maganda yung nakuha mo kesa binigay mo. Kung ang mindset lang sana ng bawat monito at monita ay mapasaya ang kanilang nabunot, wala dapat sanang uuwing yamukos ang mukha at tilos ang nguso na parang carrot. Be fair, apir!
At dahil hindi naman rhyme yung fair at apir, may naalala na'kong kwento:
College, 4th year. Nagpasya ang mga kaklase ko na magkriz-kringle. At sa pagmamaka-awa ng isa naming kaklase sa'kin (dahil hindi raw ako nakiki-join sa kanila at last na christmas party na namin to bilang mga estudyante) ay hindi ako sumali. Narealize ko na kung what if mamatay ako that season? Eh baka walang pumunta sa burol ko,kaya sumali na'ko noong last week na ng kriz-kringle. At ang regalo sa huling linggo na 'yon ay something Red.
Codename-codename, kaya dapat ang regalo ay neutral o pambalana. Eksaaaayting! Pero wala ako nung bunutan at regaluhan na, may laban ako sa campus journ, napaka-isolated ko talaga noong college. Kaya naman iniwan ko yung codename at panregalo ko kay Ate Tin, tapos sinabi ko rin sa kanya ang codename na ginamit ko.
Pagbalik ko sa klase para i-claim ko na yung regalo ko. Abot-abot ang pasensya ng nakabunot sakin. Si Hawen, hindi daw niya kasi alam na ako pala yun. Nalaman na lang niya ng magkuhaan na lahat at yung regalo niya ang natira kasi nga ako raw pala yung nabunot niya.

"Wush, anu ka ba! Para regalo lang." sabi ko habang pinupunit yung balot at binubuklat ang kahon. Ayy! Pula nga! Tanduay Ice.
Kasalanan ko naman bakit kasi 'yun pa ang napili kong codename:
Amalayer.
Amalayer.
No comments:
Post a Comment