Wa sila kabalo na kadungog ko ug kanilang istoryahon. Pasensiya na dahil hindi ako talaga marunong magbisaya. Kasabot lang. Nakakaintindi pero hindi nakakapagsalita. I think it's in the blood.
"Istudyus (Studious) kaayo tong si Jord" sabi ni Lola. Istudyus talaga ang term nila sa palabasa.
"Ayos na yan siya kahit mag-isa dito sa bahay kasama ng mga libro nya. Kahit walang kausap basta magbasa lang yan."
Dagdag pa ni Mama sa bisaya tinagalog ko lang.
"Murag si Uraq."
(Parang si Uraq.)
Sabi ulit ni Lola.
Sabay nasundan ng hagalpakan.
Eventually nalaman ko na ito pa lang si Uraq ay isang kilalang 'istudyus' sa lugar nila na nagkaproblema sa pag-iisip. Bakit kasi ang pagkahilig sa pagbabasa ay nauugnay sa pagkabaliw? Talaga 'tong si Lola minsan na nga lang dumalaw, olay pa.
Matapos nilang magtawanan, pumunta nako ng kusina para magkape.
Hagalpakan ulit sila. Natakot daw siguro ako sa life example ni Urak kaya kakain nako.
Kasiyahan na nila.
Natulog nako. Wala kasing talab ang kape at baka mabaliw nga ako hindi dahil nalilipasan ng gutom kundi sa puyat.
Mumukat-mukat pako ng magising kinaumagahan. Nagkakape na ulit ang mga bagobo. Nang makita ni Lola na nagising nako, tinanong niya ko kung natutulog pako. Kita na nga di ba? Pero syempre sumagot pa rin ako na gising nako kasi mukhang may iuutos siya. May hawak siyang bente at inaabot sakin. Nang maproseso ko na Ninoy pala yun at hindi ang kahel na si Quezon at bigay pala nya yun sakin.
Yohoohoo!
Mula siyempre ito sa pagbubukid ng dalawang matanda pero tinanggap ko na rin. Kasiyahan na nila ang magbigay sa apo at kasiyahan ko na ring tumanggap.
No comments:
Post a Comment