Tuesday, December 24, 2013

Patay-Sinding Kutitap

Ihip ng hanging amihan, 
Kasalo ng may mga hiling 
Na hindi na sana naiwan. 
Mga tira-tira ng diklim ng hamon, 
Pagsasaluhan ng mag-anakang nasanay sa bolang hamon.

Pait ng kagahapon. 

Wala munang pulang hiblang-pisi, 
Walang ilaw imbis na patay-sindi, 
Tanging mga tanglaw sa gabi 
Ang nagbibigay lasa 
Sa kanilang bawat subong may hikbi. 

No comments: