6:50pm Hanggang sa loob ng bus hinahabol pa namin ang (mababaho, mababangong) hininga gaya ng paghahabol sa oras.
"Pwede bang i-hovercraft mode 'to?" sabay higit ko sa nasa harap kong bilog na bakal na lalagyan ng inumin ng pasahero.
"Teka, teka" hirit ni Jeuel sabay hawak sa kanyang noo gamit ang dalawang daliri, hinlalato at hintuturo; nagbabadya ng teleportation.
"Tatlo pong SM San Pablo. Estudyante." transaksyon ni Alquin sa konduktor sa kanyang pananatili sa pisikal na mundo habang kami ay nagpapantasyang mapabilis ang bus.
"Para tayong mga baliw"
"Gutom"
"Gutom sa Hunger Games!"
Hindi na maitatanggi ang apoy ng pananabik.
7:02pm Nag-erkon na kami. Grabe! Ang ingat nung drayber. Sa ganitong sitwasyon mas kailangan namin ang kaskaserong buwis-buhay na 3D (daredevil driver).
"Buti na lang may diversion"
"Oo nga, may nagagawang matino ang gobyerno natin (kahit taon-taon nagre-repair; salamat na rin)". Ilang gintong sandali rin ang matitipid namin. Palpitating na ata ako. Sinubukan kong wag mag-analisa at maniwalang aabot kami. Isang malaking PERO, alam naming 30-40mins. ang travel period ng SPC-Tiaong. May dalawang major stop overs pa. Hindi pa counted yung mga papara at magbababa ng bagahe sa istribo(ito ba ispeling nun?).
"Traffic daw sa Medical sabi ni Kuya" tirada ni Jeuel. Inagaw ko sa kanya ang handset at nilaro ang virtual pet na Boo, pampakalma.
7:26pm Nasa Medical na kami at stranded hindi dahil sa trapik kundi dahil sa umiihing drayber. Nagreretouch pa ata sa cr. 4 na minuto bago mag-umpisa ang palabas kaya tinggap na naming hindi maaabutan ang trailers kasabay ng pagtanggap ko na maling mag-umpisa ng sentence ng numerical figure. Soree poo...Bow!Nakailang tawag na rin si Mrs. Pampolina, nagtatanong kung nagkita na daw silang mag-kuya. Nagteks na si Jeuel kay Jet na mauna na panonood dahil malmang inip na inip na yun. Inip na rin kami kay Manong.
Himala na hindi nakatulog si Jeuel dahil sa adrenalin sa bloodstream. Tensyonado ang buo naming pagkatao. Sabi ng digital clock "7:30" andap. andap. Dala na rin ng adrenalin, inumpisahan na namin ang pelikula sa bus.
"Last year was just child's play."
"Welcome to the 75th Hunger Games!"
"Katniss Everdeen, the girl on fire!"
"May the odds be always in your favor!"
Kahit na parang hindi pumapabor ngayon. Kebs na sa mga pasahero ng bus habang nagsasalitan kami ng mga qoutable lines ni Jeuel; si Alquin ay nasa realismo't katinuan pa rin. Ngumingisi ng "it won't do any help, losers!". Parang ganun.
"Asan na ga yung drayber." Sabunot sa ulo. Dumating din si Manong.
"Bakit di pa tayo umaandar?!". Untog ang ulo. Nagmemental prep pa ata si Manong.
7:33pm Dugs-dugs-dugs-dugs na triple na ang bpm. Aabot ba? Ano itutuloy pa ba? Pano?! Basta.
7:34pm "Baka naman may 8pm, di mu lang nabrowse ng maayos?!" pag-uurirat ko ke Jeuel pero siguradong-sigurado siya. Late na kami. Tumayo na ako para i-mental telephaty ang subconscious ni Manong. 5 minutong biyahe na lang kasi ang mall mula sa medical. Umandar na kami. Ano daw sinabi ko sa drayber pagtatanong ng mga mokong.
"Pag di pa tayo umandar, uubusin ko lahi mo" sabi ko.
Hindi ko na alam ang eksaktong oras ng pagdating namin sa SM. Ito na nga siguro yung oras de peligro. Pagtungtong na pagtungtong ng mga paa namin sa semento, tinalo namin sa bilis ng pagtakbo ang snatcher na hinahabol ng pulis papuntang entrance. Konting antala lang sa pananantsing ng sekyu, ang mga puso namin para ng pantog ni Manong kanina; sasabog na. Agad kaming dumaan ng food court kung saan mahigit dalawang oras naghintay si Jet. Hindi siya umuna. Nagkita rin ang magkapatid na nawalay sa isa't isa ng matagal, mga ilang oras din. Matapos ang 3 segundong batian, hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa at dumeretso na kami sa ticket booth/counter.
"Ate, apat pong Catching Fire" matapos kong bilangin ng kamay kung ilan nga ba kami. Hindi naman ako tense lalo na ng makitang 7:15 ang final showing. Kaya ibig sabihin malamang kalahating oras na kaming huli. Pero nabili na ang tiket, wala ng oras para sisihin si Jeuel sa maling intel report o umatras at ipagpaliban.
"7:45 pa po ang start sir, abot pa kayo." kalmadong sagot ni Ateng halos kamukha na ni Katnis.
"May Himala" sabi ng mga buntong hininga namin.
Other Titles:
Ang Kasalanan ni Ate Tin
Alquin, Jeuel, Jet, and Jord: the Boys on Fire!
Ilang Oras ng Kamunduhan

No comments:
Post a Comment