Naimbitahan nga kami sa Cuenca, Batangas, Dis. 16; Linggo ng Hapon.
Ayoko na nga sanang sumama pa dahil may iba na akong balak at kulang pa sa tulog pero dahil gusto mo; Go! Sabi mo e!
At gaya ng inasahan ko naipit nga kami sa masikip na daloy ng trapiko. Buhol-buhol ang mga sasakyan. Pauli-uli ang mga pedestrian. Kagulo-gulo. Kaingay-ingay! Sino ang may kasalanan? Ang nagtatrapik, ang nag-sale na mga mall, o ang kawalan ng sistema? Basta ansaket sa ulo.
Anung ginhawa ga ng makalabas na kami ng lungsod ng Lipa. Aba'y akalain mo ga'y bulubundukin pala ang lugar ng Cuenca. Karaming puno't liku-liko pa ang karsada! Mga 15 minuto ay narating na namin ang Zion Hill Baptist Church na nakatayo nga sa mataas na lupa, na nagdiwang din ng anibersaryo gaya ng ipinagdiwang namin 2 weeks ago. Ika-18th ata nila.
Bukod sa matatayog na puno, ay sinalubong rin kami ng mga babaeng nakaputing blouse with green scarfs sa leeg. Ang gagara parang stewardess. Ang gara din ng mga tatay at binata na naka-pambu, posturang-postura sa kanilang black amerkana suits. At ang kanilang gusali, magara rin parang kingdom hall. Andaming bisita at kakaumpisa lang. Sakto e!
Nawala ang sakit ng ulo ko sa kantahan. Magaling ang tumitiklada sa piano at masigla ang nagpapa-awit.
"Anla! Ay dine pala siya kabilang?!" nang makita ko ang pinanggagalingan ng pamilyar na tinig. Una ko siyang narinig sa isang Youth Convention sa Tayabas, at grabe ang boses niya, sing ganda niya. Pero iba na siya ngayon, mas gumanda na siya, physically at vocally. Ilang grupo rin ang nagpapalit-palit sa pag-awit pero hindi siya napapalitan. Mula choir, ensemble, quintet, at hanggang dumating ang kanyang solo. Lumaklak muna siya ng isang bote ng mineral water. Lubricant para sa pangmalakasang belt out sabi ko. Tinaasan ko ang ekspektasyon ko pero ilang nota ang lumampas sa aking inaasahan. Goosebumps sa bawat belt-out. May abs na nga ata siya sa lalamunan. Matapos pumailanlang ang huling nota napapalakpak ako sa paghanga. "BOSS kagaling mo ga!"
No comments:
Post a Comment