Saturday, December 21, 2013

Talk Ko, Talk Ko


Ang Talk Ko
Isang Talump-arti

    Nakakatuwa. Laman lang ng mga usap-usapan ang Tintakon dati. Nainspire ako sa ginawa ng Pythons dati na CheerCamp, yung tinuturuan nila dati ang mga freshmen para sa ikakaunlad ng cheerleading sa campus sabi ko no’n “Paano kung magorganisa kami ng ganito tungkol sa writing (ma-creative o journalistic), imadyin the desirable change.” Pero buong akala ni Jo (former EIC) na andun lang ako para i-scout ang crush kong lumulukso-lukso. “kung mag-invite kaya tayong ng mga hayskul, kung hayskul pa lang nagsulat na’ko, na-publish na siguro ako ngayon.” Pero buong akala niya nakangiti ako dahil kasalukuyang nag-i-straddle noon si Crush. Jo, kung nasan ka man ngayon mabuti na lang hindi ka pinatay ng mga maling akalas mo.



    Ano? Magto-talk ako bago si Bebang?! (Oo, ganun kabilis ang phasing, inaayos na naming ni Seron yung isked, yung mga speakers nauto na namin, nasa proseso a ang TintaKon. Ano Jo? Gulat ka no?!) Buong akala kasi ng mga staffers namin naglalaro lang ako ng Pokemon o nagmamarathon ng Disney movie pag nakaupo ako sa harap ng PC. Parang hindi ko bet mag-talk. Wala ako sa mood. Shy-type kaseko. Yung batang lagging may comment ng adviser na makilahok sa talakayan at tahimik sa klase, ako yon. Atsaka, magtatatlong taon pa lang ako sa pagsusulat; may ilang journalistic awards na pero wala pa rin sa autoridad na mag-talk o lalo na mag-front act para kina Bebang at Ursua. Pero eventually, tinapos ko ang pagkikiyeme, kasi karangalang mag-front act para sa kanila at i-pressure sila ngayon habang itinataas ang expectations ng mga participant. Pangalawa, para pagbibigay inspirasyon ko na din sa mga naging titser ko nung hayskul sa Ingles at Filipino na ‘pag nalaman nila nakakapagsalita nako ngayon, hindi nasayang ang tinuro nila sakin kahit na-delay yung development ko.


    Ika-26 ng Abril taong 2011. I wanna be a writer and I will set my feet on it sabi k sa likod ng isang libro. Malaki ang impluwensiya sain ni Bob Ong lalo na nung longganisa niya kaya siguro naisulat ko yung pangungusap na ‘yon marahil dala dn ng matinding boredom dahil bakasyon noon. Natatandaan ko sabi niya don na may mga taong nakuntento na lang na magsulat sa mga ding-ding at upuan ng bus kaya mapalad ka kung may naglulang papel ng kaisipa’t saloobin mo. Kaya tinanggap ko na rin ang imbitasyon sakin ni Seron noon na sumali ng publication pag pasok ng bagong acad.year; kahit wala naman kaming honorarium o additional grades man lang. Si babe Ang naman ang nagpamulat sakin na kung walang papel na maglululan ng mga kaisipan, pwede naming cyber-papel ; kaya noong July 30 isinilang ang idyordnal.blogspot.com. Si Bob Ong at Babe Ang ang masasabi kong nagging Nanay at tatay ko sa pagsusulat. May mga ninong at inang din naman, too many to mention na nga lang.


    At dahil late bloomer ako, pinagsamantalahan ko ang by-line gaya ng pagsasamantala ng mga mambabatas sa kaban ng bayan; nagsulat ako araw-araw, gabi-gabi, may klase o wala, basta may papel at tinta; Gora! Ang tinta ay makapangyarihang tool for change. Too many to mention na rin ang mga pagbabagong nadulot nito sa mumunti naming unibersidad. Ilan sa mga achievements namin ang mga napatalsik na gurads, napadaloy na pondo, at pagkakaroon na naming ng pakonsuelo! Pero ang pinakamalaking pagbabago ay makikita sa nagpakayat ng tinta sa nagsusulat. Look at me now, wag na tayong lumayo; natanggal ako sa Dean’s lister, nwalan ng iskolarsyip, hindi naka-graduate sa ‘tamang’ oras, at nag-uulit ng Elem.Stats ngayon. Pero at least bago ako umalis ng mini-university ko, naibangon at naiangat ko kahit papaano ang pagtingin ng marami sa mga agriculture students; na siya ring primera kong dahilan kung bakit ako sumali ng publication. Para sakin, mas malaking karangalan yon kesa sa honorarium o titulong Cum laude.


    So, paano akong nakasurvive ako sa mundo ng journalism kung halos ¾ ng pie ng impluwensiya ko ay galling sa creative writing? Mga kapwa ko writers at editors, presenting the kapangyarihan of cross-over at fusion. May mga elements ang news na nasa opinion, elements ng opinion na nasa feature, elements ng feature na nasa devcom, elements ng shot story sa feature, ng elements literary devcom sa, atsi we jsonrsu emlmnts as…Naghalo-halo na. Nagiiba lang naman kung saan/kanino nanggagaling yung kwento, kung anong boses ang ginamit at kung paano ikukwento. Kung sa Elem.Stats.; ang journalistic at creative writing are not mutually exclusive at tandaan na everything is connected to everything else sabi ng Envi.Sci. Sa tagalog, ang lahat ng bagay ay magkaugnay. I’ll leave the creative thingy sa mga sichibukai ng panitikan.


Mga dude remember this:

Ang tirador sa kamay ng batang si David nakapagbagsak ng Goliath

Ang trumpeta sa kamay ng mga Isarelita nagpabagsak ng Jericho

Ang tungkod sa kamay ni Moses nakapaghati ng Dagat.

    Kaya hindi natin masasabia ng tinta sa ating mga panulat na tanagn n gating mga kamay kung sasamahan natin ng pananampalataya’t paniniwala, walang makapagsabi ng magagawa nito.


No comments: