Nob.8, Biyernes; naglandfall si Yolanda (Haiyan). Ilang araw nagbabala ang PAG-ASA pero naramdaman ko lang ang seryosong banta ng mismong si PNoy na ang nagweather forecast.
Linggo na ng mapanood ko ang balita tungkol sa mga nasalanta. Grabe! Pilipinas ba yan? Parang replay lang ng aftermath ng tsunami sa Japan ang napapanood ko. Pero kakalindol lang sa Cebu at Bohol dapat sana may mahabang panahon pa bago ang isa pang delubyo. Parang walang time-out.
Pusong bato na lang siguro ang hindi maantig sa sinapit ng ating mga kababayan sa Bisaya. Mga waswas na istruktura, kabuhayan, at pangarap. Nawala sa isang saglit ang naipundar sa loob ng maraming taon. Ang kahindik-hindik ay ang pagbaha ng mga bangkay. Ayon sa pagtataya ng international media ay aabot ng 10 libo ang patay sa Tacloban pa lang. Ngunit ayon sa lokal nating istatistika ay nasa limang libo pa lang ang patay. Ang marami ay kabilang pa rin sa unidentified. Ganyan tayo magpahalaga sa patay, dapat identified muna bago bigyan ng maayos na libing.
Nakakapanghina ang mga panawagan nila ng tulong dahil gutom naman ang nagbabadyang kumitil sa kanila. Banaag rin sa mga field reporters ang hirap na kanilang kinasasadlakan. Bagsak ang komunikasyon. Nakakaadwa ring malamang may anchor tayo na kailangang pang i-push ng banyagang journalist. Hindi ata handa.
Bumaha rin ang tulong mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa. Mga charity shows, bazarre, cash at in-kind donations. Nakakatuwa ring bumaha ang milyong dolyar na salaping pagtulong mula sa ibang bansa kabilang na ang Hong Kong, Taiwan, at China. Forgetting about ourselves muna ukol sa mga alitan. Para kaming mga UN ambassadors na nagrerebyu kung sinong mga bansa na ang tumulong at anong implikasyon nito sa relasyon ng Pilipinas at mga kasapi ng UN. Marami ring medical teams mula Israel, Germany, Switzerland, at ang Tsina ay nagpadala pa ng isang hospital ship. Sa mga newsfeeds, panay ang panawagan sa ayuda ng panalangin at tulong para sa mga biktima ng Yolanda. Nabawasan kahit papaano ang #selfie at #ootd.
Sa ganitong mga tagpo, malamang umihip sa utak mo ang tanong na bakit. Patawad kaibigan dahil hindi ko masasagot ng eksakto. Pero may ilang bagay na sigurado sa sanaysay-opinyon nato.
Tinawag ng 'Hellstorm' ng Greenpeace si Yolanda. At ayon sa PAG-ASA, ilalayo na may, wag ilalapit, na may 4 pang bagyo na tatama sa bansa. Para sa mga nasa linya ng agham, alam nating tumbok sa tumbok ang Pilipinas na drive-thru na ng mga bagyo. Bangang-banga rin tayo sa Pacific Ring of Fire. Marahil totoo ring ang pagtaas ng ating carbon footprints ang dahilan ng mas pinalakas na mga bagyo. Kamusta ang madaming environmental putakan summits natin? Walang pagtatalo na may consequences talaga ang mga ginagawa natin pero maigsi ba ang kamay ng Diyos para hindi niya sanggahin ang ganitong delubyo? Ang sagot kaibigan ay isang malaking HINDI. E bakit di niya sinalag? Ang sagot ko ay isang malaking EWAN.
Kung athiest ka, wala kang mapapagtanungan, wala kang masisisi, kasi nga walang diyos diba? Sabi mo yan. Tama ka kaibigan na wala akong karapatang kwestyunin ang Diyos. Pero kaibigan, ang pagtatanong ay hindi laging pagdududa. Ang tanong ay di laging paninisi o reklamo. Totoo na may mga tanong tayo na alam na natin ang sagot. Mga hindi na dapat sagutin at mga tanong na wala talagang makakasagot. Pero kaibigan, minsan ang pagtatanong ay pagkilala na may mas nakakaalam at pag-amin na bilang tao ay may limitasyon tayo. May mensahe ang Diyos, kung may post-note lang yung bagyo; kaso hindi yun ang paraan nya. Pumukaw sa akin ang 2 mensaheng ito: at dahil sila'y tao ng Diyos, I assume na puspos sila ng ibahagi nila ito.
Sana naman, huwag nang sobrang bigyan ng religious color ng ilang sektor ang natural calamities na dumarating sa PIlipinas na para bang kasalanan at pananagutan pa ng mga kababayan natin ang nangyayaring mga natural calamities at pinarurusahan lang tayo ng Diyos. Puede rin tuloy gawing excuse yan para hindi tumulong.
Hindi naman ganyang malupit ang Maykapal. Maibigin sya at hindi pikon o mahilig magparusa at magpahirap sa tao.
(Huwag nating igaya sa Israel ang Pilipinas. Iba naman ang relasyon noon ng Diyos at ng bayang Israel kasi ay may covenant relations sila. Kaya kung sinisira ng bayang Isarel ang usapan, napaparusahan sila. Wala namang ganung transaction ang Diyos at ang Pilipinas.)
Kasalanan ba naman ng mamamayan kung ang bayan natin ay nasa Ring of Fire kaya maraming bulkan at lindol? O nasa typhoon belt kaya maraming bagyo? Isisisi na rin ba sa "kasalanan" ng mga Pilipino ang weather changes brought about by global warming? Paano ipaliliwanag yung mga calamities sa ibang countries? Parusa rin ba yun ng Diyos? Come on!
Kung may pagkukulang o kasalanan man ang bayan, iyon ay ang 1. masama o inefficient na pamamahala ng ilang nasa gobyerno
2. pagsira ng madla sa kapaligiran/kalikasan at humihina tuloy ang defense against natural calamities
3. Pagtatayo ng mga bahayan sa mga delikadong lugar
4. sobrang pagpapayaman ng konting naghahari at karalitaan tuloy ng nakararami.
5. Pagsuway ng tao sa mga babala.
Pero huwag naman nating sabihin sa nagiginaw, nagugutom, nawalan ng bahay o naulila sa mahal sa buhay na "Kasalanan mo yan, pinaparusahan ka lang ng Diyos." That is so judgmental, insensitive and unkind.
Una, ano ang solid basis for saying that? Sinabi ba ng Diyos yan o haka-haka lang ng tao?
Pangalawa, those statements do not correctly reflect the true character of God who is loving, caring and forgiving.
Let us not give God a bad image by insisting that these natural calamities are God's intention for our people.
Hindi ito para pagkumparahin kung sino ang 'mas'. Hindi ko rin naman tuwirang sinasabing ito ang interpretasyon nila sa naganap. Hindi rin naman lahat ng sinabi nila'y inakap ko. Pakatandaan na hindi natin maabot-unawa ang karunungan ng Diyos.
Paglilinaw po: Hindi rin ito isang subok para i-neutralize ang 2 mensahe dahil walang negatibo sa mga ito. Kung hahanapin natin ang pisi na nagdudugtong sa dalawang pahayag, makikita ang mga kalikasan ng Diyos. Totoo na ang Diyos ay pag-ibig,mahabagin at mapagmahal; pero naninibugho at nagagalit rin Siya. Pinakamataas nating Hukom ang Siyang nagbibigay hatol ay siya ring Diyos ng kabutiha't kaamuan. Mapagkalinga at matulunging Kaibigan ngunit Siya ay Diyos rin ng katuwiran. Gaya ng isang magulang, tinutuwid niya tayo sa ating landasin. Labs na labs Niya tayo pero hindi kailanman ang ating mga maruming kasalanan. Kitams, pangita naman na ang Diyos ay hindi isang impersonal na pwersa lang. May damdamin, pag-iisip, at malayang kalooban.
Ptr. David Morning Worship Service Message
Paglilinaw po: Hindi rin ito isang subok para i-neutralize ang 2 mensahe dahil walang negatibo sa mga ito. Kung hahanapin natin ang pisi na nagdudugtong sa dalawang pahayag, makikita ang mga kalikasan ng Diyos. Totoo na ang Diyos ay pag-ibig,mahabagin at mapagmahal; pero naninibugho at nagagalit rin Siya. Pinakamataas nating Hukom ang Siyang nagbibigay hatol ay siya ring Diyos ng kabutiha't kaamuan. Mapagkalinga at matulunging Kaibigan ngunit Siya ay Diyos rin ng katuwiran. Gaya ng isang magulang, tinutuwid niya tayo sa ating landasin. Labs na labs Niya tayo pero hindi kailanman ang ating mga maruming kasalanan. Kitams, pangita naman na ang Diyos ay hindi isang impersonal na pwersa lang. May damdamin, pag-iisip, at malayang kalooban.
Tiaong Baptist Church
Ptr. David Morning Worship Service Message
MESSAGE: “THE GREAT TRAGEDY OF DEVOLUTION”
TEXT: Romans 1:18-32
Introduction: Some people, organization, nation started good and right only to end up wrong or in a worse/worst situation.
The theme of Romans is the "Righteousness of God" . Man-because of sin, started to fall away or lower down the standards that God has set. Men did that which is right in their own eyes.
I. The WRATH of God– v. 18
A. Revealed from Heaven
B. Reasons from History
C. Resulted in Hurts/Harms
Man knew the truth about God, but they did not allow this truth to work in their lives. They suppressed in in order that they might live their own lives and not be convicted by God's truth.
II. The WRETCHEDNESS/WICKEDNESS of Man-v.19-21
A. From Intelligence to Ignorance-v.19
B. From Intimacy to Idolatry-1Cor. 10:19-21
C. From Idolatry to Immorality-Romans 1:26-27
III. The WARNING from the Book
“The Worse is yet to Come!”
A. Indulgence-Rom. 1:24,26,27
Paul mentioned a vile sin that was so rampant and has become increasingly prevalent in our days "Homosexuality"
B. Independence
C. Impenitence/Indifference
I. The WRATH of God– v. 18
A. Revealed from Heaven
B. Reasons from History
C. Resulted in Hurts/Harms
Man knew the truth about God, but they did not allow this truth to work in their lives. They suppressed in in order that they might live their own lives and not be convicted by God's truth.
II. The WRETCHEDNESS/WICKEDNESS of Man-v.19-21
A. From Intelligence to Ignorance-v.19
B. From Intimacy to Idolatry-1Cor. 10:19-21
C. From Idolatry to Immorality-Romans 1:26-27
III. The WARNING from the Book
“The Worse is yet to Come!”
A. Indulgence-Rom. 1:24,26,27
Paul mentioned a vile sin that was so rampant and has become increasingly prevalent in our days "Homosexuality"
B. Independence
C. Impenitence/Indifference
Hindi hinayaan ng Bathala si Yolanda dahil trip nya lang. NO my friend, may mensahe Siya at hindi ito iba-iba. Hindi Siya nagpapasimuno ng pagkalito. Isa ang piho: nangusap ang Kataas-taasan, naghihintay Siya ng kababaang loob mula sa atin.
Sang-ayon ako sa narinig ko sa pulpito. "Hindi nila kailangan ngayon ng hatol (mula satin), bagkos mas kailangan nila ng habag." Mas padalasin at palakasin pa natin ang pakikipagtuos sa panalangin na sing lakas ng unos. Bagyo ka lang, tao kami...
ng Diyos!
Sang-ayon ako sa narinig ko sa pulpito. "Hindi nila kailangan ngayon ng hatol (mula satin), bagkos mas kailangan nila ng habag." Mas padalasin at palakasin pa natin ang pakikipagtuos sa panalangin na sing lakas ng unos. Bagyo ka lang, tao kami...
ng Diyos!
No comments:
Post a Comment