Sunday, June 1, 2014

Nakaka-huhu, Day 10

Day 10

Gumising ako ng masakit pa rin ang kasu-kasu-an. May tuyong laway. Nakakapagod kaya yung byahe kahapon. Lagare, lagaring bakal pa nga.

Parang gusto kong mag-day-off. Pero may dapat akong gawin ngayong araw at ito nga ang pagpunta sa Palo, Leyte. Nag-almusal muna ako at humabol sa devotion.

Si Pastor Paj ang nagbahagi ng salita ngayong umaga, tungkol sa parable of the sower pero focus yung lupa. Yung puso ng mga tagapakinig. Tamang-tama raw dahil agriculture ang course ko, mag-usap daw kami mamaya. Mukhang alam ko na.

Si Pastor Paj ang kasama ko sa sasakyan, nakapagkwento siya tungkol sa kanyang buhay. Na ginginology ang minajor niya sa Agricultural Engr. Na pariwara bago makakilala sa Lord. Ganan. Tapos siya raw ang may hawak ng ministerial at livelihood (including agricultural) kaya naghahanap daw ang foundation ng staff na maghahandle sa livelihood. Kung gusto ko raw …

Nakikita ko ang ginagawa ni Ate Malou sa Guiuan, grabe! Hindi kaya ng pasensya ko, napaka-baby ko pa sa ganung responsibilidad.

Nadaanan namin ang McArthur’s Park, ditto pala siya nag-“I shall return”. Pangitang-pangita na ang hina ng history ko.

Pupunta kami kasama ni Mariz sa Brgy. Cogon, Palo,Leyte para mag-turn over ng mga bangka. Doon ko nakilala si Kuya Globert, isa sa mga nakatanggap ng bangka. Namatay ang asawa niyang si Wilma nang humagupit ang Yolanda. Dere-deretso pa naman ako sa pagtatanong, kuya ano pong edad niyo, pangalan po ng asawa, edad po, “patay na, nung Yolanda”. Ang hirap magpatuloy ng tanong.

Biglang sulpot pa ng dalawang anak niya sa tabi ko. Tapos nalaman kong mga honour student pala yung mga bata. Isang Grade 5 at Grade 2. Tinanong ko ang mga pangarap ng mga bata, tapos sabi ni Kuya Globert; “Antaas nga ng pangarap ng mga ‘yan,saying namatayna ang Mama nila”.

“Shiiiik” parang may napipilas sa puso ko. Basahin nyo na lang ang article tungkol sa kanila. Ayoko ng ituloy ang entry na ‘to.


May 30, 2014

No comments: