Day 6
Pagkagising ko, namiss ko ang tilaok ng manok. Walamasyadong
manok dito, mga tatlo lang siguro sa buong baranggay,tapos hindi pa tmutilaok.
Matapos ang breakfast at devotion,itinapon ulit kami sa
dalawang komunidad. May isang misyon lang ngayong araw, ang pagkalap muli ng
istorya mula sa mga nakatanggap ng rubber slip-ons mula sa Soles 4 the Souls at
kamustahin ang kalagayan ng mga bata ng Brgy. Cantahay.
Isa lang ang ka-team up naming ni Nikz, si Rufel. Inabot
kami ng matinding init sa Cantahay. Ang ku-kyut ng mga bata rito. Yung mga
tsinelas nila halos bago pa dahilhindipa masyado ginagamit, sa pasukan pa raw
sa June 2.
Nagtatayuan pa lang din sila ng bahay dito. Mga tagpi-tagping yero at plywood.Parang
bahay lang namin. Tapos may na-interview din kami na pamilya na nangangailangan
pa ng mga materyales, hindi raw sila napapansin ng gobyerno at ibang NGO. Sa
ibang lugar daw kasi ay sumusobra-sobra na ang mga materyales tapos ang
ginagawang mga tao ay ipinagbibili.
Habang ini-interbyu siya ni Nikz, nilalaro ko yung pusa
nilang natutulog. Tapos napansin ko yung buntis na aso. So sumingit akong
tanong kung anung pangalan, Mighty raw.At Mighty nga dahil survivor itong
Yolanda. Hindi nila alam kung saan ito
sumuot ng nagbagyuhan na, pati mga kalapati nila hindi nila alam kung saan
sumuot. Pagkatapos na lang daw ng bagyo ng bumalik silaaynakita na nilang
naglulundag sa pananabik ang kanilang si Mighty. Buhay din ang kanilang pusa at
mga kalapati.
Meron din ditong ginagawang ospital. Joint project daw ito ng
WHO, Medicin San Frontieres yung pangalan. European ata yung ospital, imbes daw
kasi na ipagkatiwala sa gobyerno yung pondoe yung mga stakeholders na mismo ang
nagpagawa. Sa umpisa raw mga foreigners ang personnel tapos ite-turn over na
lang sa local government. Kahit wag na.
Nagmumukhang mga rants sa gobyerno ang daily journal
ko. Wala kasi akong makita na rehab
program ng gobyerno. Sah-ry.
Kalahating araw lang kami ngayon,pag-uwi ng bahay
nagpahinga. Nagbasa. Tapos nagkape habang nanonood ng Battle Los Angeles, medyo
na-uplift naman ang imahe ng US Navy sa palabas na ‘yon. At saka makikita mo
dun yung gaano ka-vital ang impormasyon lalo na sa alien invasion. Haha
Noong gabi ay pnilantsa na naming ang pagpunta ng Homomhon.
May 26, 2014
Day 7
Dapat sana historical-economical-rants ang post na ito
kayadi muna ako magkukwento kung anung mga nakita ko sa islang ito. Dito talaga
ako nakakuha ng magandang kuwento ng paglaban sa buhay.
Magre-research pako.
Halos malunod ang puso ko ng arawna ito.
May 27, 2014
Day 8
Wala masyadong produktibong aktibidad ng araw na ito.
Bumiyahe kami mula Guiuan, Eastern Samar pabalik ng Tacloban City para sa
pagpapatuloy ng misyon. Pagdating nagpahinga at kumain. Tapos, natulog lang.
Apat na oras din yung byahe naming. Muli nasilayan ko ang San Juanico Bridge.
Nag-planning ng gagawin kinabukasan. Pupunta akong Matag-ob
at Palompon,Northern Leyte para kapanayamin ang mga recipient ng Watts of Love.
Alamin ang mga pangangailangan pa ng kanilang komunidad. Isulat ang kanilang
kwento.
Bago ako natulog, naalala ko na isang linggo nap ala ako
rito sa Eastern Visayas, nakaramdam ako ng miss.
Nakakainis!
May 28, 2014
No comments:
Post a Comment