Tuesday, June 10, 2014

Si LEA at Si Leo


Kasamahan ito ng Si LEA at ang Pangil ng mga Dragons, Si LEA at ang mga Multo ng Kahapon, na mga series of posts patungkol sa Licensure Examination for Agriculturists (LEA). 

Hindi masyadong pinapansin ang LEA kumpara sa BAR Exams at Nurses Licensure Exams, ang result ng LEA, di gaya ng mga nabanggit ay walang tv broadcast. Kadalasan sa Manila Bulletin lang ang public notice mula sa PRC. Pero ngayon, nakita ko na siya maging sa Rappler. 

Meron akong dalawang dahilan kung bakit hindi pa rin ako kumuha ngayong taon ng lisensya:


Una, wit pa need. Magsusulat ako ngayong taon para mabuhay at hindi ko naman kailangan ng lisensya. 
Pangalawa, gusto kong mag-top. Gusto ko lang, masama? Wala pa ako sa studying attitude. Nakakalungkot, hindi ako ganun katalino para maka-top at ang mas nakakalungkot, hindi ako ganun kasipag at katiyaga para magrebyu. Ang pag-asa ko lang para maka-top ay isang malaking HIMALA. Merong HIMALAAA!!! MERON! MERON! MERON! 

Sino si Leo? Isang naghimala. Magnacumlaude siya ng batch 2014 ng Agri.Tech students. Naging kaklase ko siya, matatandaang umulit ako ng isang subject, at hinihingian ko siya ng papel kapag may quiz, through Ate Key. 



"Ate Key pengeng papel" 



sasagot si Ate K: 
"Wala akong papel, Leo penge raw papel si Dyord" 

Sasagot si Leo: 
"O." 

Ganito ang role ko sa klase nila, tagahingi ng papel. Nakapasa si Leo Paolo Ramos ng LEA ngayong taon at nag-top pa. Top 5. Boom! Powerhouse naman talaga si Leo sa batch nila. Kahit nung hayskul nasa honor roll ito. Naging chairman ng isang academic org. Madalas maka-top ng exam. At higit sa lahat namimigay ng papel. 

Inspiring at challenge. Inspiring dahil nakaka-inspire, nakikilinya na ang alma mater namin kasama ang UPLB, MSU, at CLSU, mga prominenteng unibersidad pagdating sa larangan ng agham. Challenging in a sense na kung may nakagawa nang makapasok sa top ten, kaya rin namin. Namin? Alam ko hindi lang ako ang naghahangad maka-top sa licensure exam. Gumawa si Leo ng kasaysayan ngayong araw para sa maliit naming satellite university. Pressure rin e.



Tinanong ko siya kung anung tip ang mabibigay niya, normal na rebyu lang daw ang ginawa niya. Nag-enroll sa review center, primarily para sa subject na extension na wala sa curiculum namin. Pero pinakamatindi raw na kailangan ay ang: "Manalig". :)

Nakakatuwa. Nakapasa rin si Ate Key. Yey! Si Ate Key ay kaklase ko nung Grade 6, 2nd year at 3rd year hayskul. Source ko ito ng assignment nung magkaiba pa kami ng section nung 1st year hayskul. Naging ka-"trabaho" ko rin sa research team para sa tesis ni Mam Mabel. At pinsan ng ka-bradee ko na si Alquin. 

Kay Leo, salamat muli sa inspirasyon, hamon, at mga papel kapag may quiz. 

Sa mga iba pang nakapasa, at hindi nakapasa, hanapin nyo ang lugar ninyo sa industriya. Pagyamanin ang kaalaman at ang bayan. 








P.S. 
Wag akong tularan, isa akong "underemployed". bruhahaha


Para sa mga Links:

No comments: