Hunyo 12, 2014. Ang ika-isangdaa't labing-anim na taon ng kasarinlan ng Pilipinas. Pero National Eternity Friendship Day namin nina Alquin, Roy, at Jeuel. Si Jeuel ang organizer ng nasabing holiday. Emphasis on: "Si Jeuel ang organizer..."
Pagdating ko kena Jeuel, hinintay ko muna silang matapos mag-advance wars ni Alquin. Pinapasali nila ko pero ang pangit kasi ng graphics at design, maganda naman ang gameplay. Sakupan ng base gamit ang limitadong resources. Enebenemen! Araw ng Kalayaan at ganito yung nilalaro nila, kaya hindi ako sumali.
Matapos ang pagkatalo ni Alquin, wala pa rin si Roy. Niyaya ko silang mag-kompyuter sa labas. Kailangan kong magpasa ng term report at feature story tungkol pa rin sa ginawa ko sa Eastern Visayas, na dalawang linggo nang umaalipin sakin. Wala kasing deadline. Sinama ko sila para may taga-cheer. At pagkatapos ng isang oras, naramdaman ko ang kalayaan. Ang maluwag na paghinga ng kasarinlan.
Pero wala pa rin si Roy.
Pumunta kami ng palengke para bumili ng pang-ulam. Wala sina Pastor at Mrs. P, walang uulamin sina Jet-jet pati na rin kami. At dahil wala nga sina Mrs. P, sinamantala ni Jeuel ang pagkakataon para bumili ng delata. Bumili naman ako ng na-miss kong siomai. Tapos, umuwi agad para mananghalian dahil alas-dos na. Pero wala pa rin si Roy.
Kumain na nga kami. Binuksan ang isang de lata, grabe! Ito ang laman ng bente pesos na de lata? Kapirasong isda. As in parang hinlalaki ko lang at da rest ay dagat ng sarsa. Ito ang kinakain ng maraming Pilipino. Wooo! Kalayaaaan!!!
Dumating si Roy sa wakas. Tumugtog kami ng ilang saglit, mga limang kanta lang. Tapos natulog. Dahil antok na antok si Jeuel. Natulog kami sa kwarto niya at sa kama niyang may pink na bed sheet. May puso-pusong disenyo pa. Sa saliw ng pagtugtog ni Roy, at hangin ng bentilador, nakatulog kami hanggang pasado alas-singko. Masarap naman ang tulog namin.
Paglabas namin ng kwarto nina Jeuel, nasa kusina na sina Pastor, Misis, at si Lola Nitz, pinag-usapan ang inabyad nilang patay. Namatay si Nanay Ligaya. Matapat na kapatiran sa simbahan ni Jeuel. Kasabayan ng Lola Nitz nang nag-uumpisa pa lang ang kanilang simbahan.
Wala nakong matandaan sa ginawa namin nang gabing iyon bukod sa mga kwentuhan. Mga rebelasyon ni Babes sa lovelife ng Kuya Jeuel niya. Ihinatid namin si Roy at bumili ng kape. Walang kakaiba. Walang kaprodu-produktibong gawain.
Maya-maya pa. Natulog na ulit kami. Oo, hindi ako umuwi at wala akong dalang toothbrush.
Ang alam ko si Kim Jong-il ay nag-gawad ng Eternal Friendship sa isang basketbolista sa NBA. Kung tutuusin kami talaga ang may eternal friendship at sa lugar kung nasaan naroon na rin ang Nanay Gaya, hindi na kami matutulog.
Ito ang aming National Etertnity Friendship Day.
No comments:
Post a Comment