Sunday, June 1, 2014

Days-Off, Day11-12



Day 11

Pres na pres pa’ko galing ng pagligo.

Relak-relak lang today dahil walang “trabaho” kasi Sabado na. Grinab ko na ang pagkakataon para magsulat ng magsulat ng articles at mag-update ng blog. Hindi ko man natapos lahat, at least may nagawa ako ngayong araw at may gagawin pa ako sa mga darating na bukas.

Hunyo nap ala bukas? Kalahating taon na, pero ang plans ko for 2k14 ay wala pa rin sa kalahati ang accomplishments. Oks lang, mahaba pa ang taon, marami pang pwedeng mapangyari at mangyari.

Kanina pumunta ako ng downtown para hanapin yung New Life Baptist Church. Nadatnan ko ay dalawang bata at dalawang aso, siempre sa bata ako nagtanong kung anung oras ng pagtitipon bukas. Alas-nuebe raw pero pumuntana raw ako ng 8:30, alam niya ata na palagi akong late.

Kaya matutulog na ako para maaga kinabukasan.

Tacloban City, Leyte
May 31, 2014




Day 12

Maaga akong nagising at alam ko kung bakit.

Tinapay na may itlog ang almusal bago tumulak ng pagsimba. Pagdating ko sa New Life ay nakakwentuhan ko ang isang nanay (na naman) tungkol sa kalagayan nila nung Yolanda. Wala rin daw napinsala sa kanilang kapatiran kundi mga bahay lang. Nagkwento pa siya tungkol sa mga iba pa niyang ka-miyembro ng mga pinagdaanan nila. Maya-maya pa worship na. Ok naman, wala naming mga nagtutumbahan dito.

Nalaman ko rin na Millionaire’s Village ang tawag sa kinalalagyan ng office-housenamin. Kaya pala mahal sumingil ang mga trike-draybers samin.

Kaya bumalik ako nung hapon.

Bago ako dumeretso ng church, nag-ihaw-ihaw muna ako. Hindi ko exactly nalaman kung anung tawag dun sa kinain ko pero alam ko na taba iyon. Na malambot talaga at makunat. Tapos para siyang mabuhangin, hindi ko alam kung asin at asukal ba yung nalalasahan kong mga yamugmog sa taba. Ansarap pa ng suka, tamang anghang at init. Ganun din ang kanilang prinitong bituka na ginulong muna sa harina, ang lutong na malasa. Ssshhirrp!

Sa church, may naging kaibigan ako si Nice at  si Lyka, isang golden retreiver at labrador. Ang saya lang ng bonding namin dun sa may bandang likod. Bigla ko ring na-miss sina prick-prick, tsaw-tsaw, at dash-dash.


Tacloban City, Leyte
June 1, 2014


No comments: