Tuesday, June 3, 2014
Pa-pres, Day 13
Day 13
Umaga, sa Brgy. Sto. Nino, Tacloban kami nag-devotion kasama ng mga karpintero. Ayun, ayos na halos ang isang daang bahay sa loob lang ng isang daang araw, express. Transitional houses ito na titirhan muna ng mga beneficiary ng housing project ng GMA Kapuso Foundation.
Matapos noon, bumalik, natulog hanggang mag-lunch. Akalako pag gising ko hapon na, naiinip kasi talaga ako, tapos alas-dose pa lang. Nangangati ang aking kapaahan ng gagawin o pupuntahan.
Hindi naman ako pakialamin sa mga nag-iinventory sa meds dahil baka daw ma-toxic ang baby nila. So, nag-lunch na muna ako, patabaing biik nako dito.
Nag-alok si Ate Maris na sumama sa Brgy.89 sa San Jose, imi-meet yung mga farmers. Go!
Pagdating namin dun naging ka-workmate namin si Ate Janet Lunzaga, maganda naman siya at mabait, staff siya ng Kabalikat sa Magandang Bukas, Inc. parang ganan ata. Micro-finance something ata sila.
Tumakbo ang pagpupulong. Maya-maya pa ay nakita ko na ang "attitude" ng mga magsasaka sa baranggay na ito. Ganito rin ang ugali at pananaw ng marami sa Quezon, pero hindi naman ako nag-gegeneralize.
Namomroblema kasi yung isang magsasaka/negosyante sa tao. Wala raw siyang makuhang tao. Sabi niya kay Ate Janet dapat daw i-provide din ng NGO ang mga trabahador maliban sa mga binhi,kagamitan, at kapital. Kasi raw ang mga tao parang tinatamad dahil may napipilahan pang mga relief distributions at may cash for work pa. Sa madaling sabi, gusto niya ay hihiga na lang siya at ibigay ng NGO ang lahat ng pangangailangan ng sakahan niya. Ang patient pa ring sumagot ni Ate Janet. Hindi lahat kayang ibigay ng NGO, at walang NGO ang may kaya noon. "Poproblemahin po naminyung pwede namin itulong sa inyo, kayo na po ang poproblema kung paano kayo makakapagtanim" medyo may tapang na sagot ni Ate Janet though polite pa rin naman. Ako napipikon nako kahit naka-upo lang.
After ng pagpupulong, sinaluduhan ko si Ate Janet sa kanyang katiyagaan at kahinahunan sa pakikipagtalastasan sa mga magsasaka. Hindi naman sila lahat ganun yung attitude, siguro dahil na rin sa tagal na walang umaalalay sa kanila matapos ang trahedya ni Yolanda. Marami na raw kasi ang pumunta roon pero hanggang pa-fill-up lang ng mga forms at walang aksyon.
Mag-iisang taon pa lang daw si Ate Janet sa field, nakikipag-ugnayan sa farmers. Marami raw talaga gusto isubo lahat. Kapag ibinigay mo yung isa mong kamay, gusto kunin pati braso mo. Kapag hindi mo raw kasi tinapangan ng kaunti ang sagot mo, lalamunin ka ng kanilang mga reklamo at demands, na kung tutuusin wala naman sa lugar. Hindi naman talaga dapat ang NGO ang may pangunahing concern sa kanila, dapat gobyerno.
Maya-maya pa, tinanong niya ko kung nagulat ba raw ako sa kalakaran sa field. Sabi ko hindi naman, kahit bagong graduate lang ako, narinig na namin ang mga ganitong reklamo sa mga survey sa school.
Maganda siguro kung bigyan na lang natin sila ng mga halamang namumunga na, yung mga kamatis na mahihinog na lang. Yun yata yung gusto nila. Pero hindi pwedeng laging isusubo na lang. Ayos lang na inaalalayan tayo s amuling pagbangon, pero yung susubuan ka na lang habang buhay; nakakawala na ng dignidad 'yun. Dapat nga bilang naaping sektor ng lipunan, dinadala natin ang pagigng magsasaka ng may dignidad man lang.
Stress talaga.
Sa dyip, tinananong ako ni Ate kung sang school daw ako, sabi ko sa SLSU. Sabi nya kung may campus ministry ba raw ako roon. Sabi ko na-involve naman ako kahit papaano. Kilala ko ba raw si Kuya Caloy, oo naman! Yun pala ay kilala niya rin dahil si Kuya Caloy ang ministeryo sa kanila sa UP Dorm. Grabe! Hanggang dito ba naman may nakakakilala pa rin kay Kuya Caloy? Small world talaga. Ikamusta ko raw siya. Sabi ko sure,no frog.
Bumaba na siya bago mag-downtown.
Kami ni Ate Maris, nag-stress debriefing sa downtown. Naghalo-halo sa Felisia's Cafe na since 1940s yata. Masarap naman ang halo-halo nila, survivor maging ang recipe. Tapos, para kumpleto ang pag-aalis ng stress, nag-ukay kami at nakakuha ako ng isang magandang sweater, paghahanda sa rainy days. hehe. I deserve.
Pers day of skul kahapon, sa dyip mula Tacloban downtown, nakita ko yung Grade 8 students may mga hawak na libro, yung isa SDTG, yung isa Panitikang Pilipino. Parehas kong ininterbyu, mas responsive at interactive yung may hawak ng Panitikang Pilipino. Yung si ateng SDTG, shy-shy siya.
O baka nagulat lang na bigla ko siyang pinagtatatanong sa loob ng puj. O strict ang parents at hindi nakikipag-converses sa fc na stranger.
Well, unang araw pa lang ng pasukan.Pero I bet mas malawak ang matutunan nung batang may hawak na Pan.Pil. May ganun na palang aklat ngayon sa hayskul?!
Yun lang today, malapit nakong umuwi.
June 3, 2014
Tacloban City
Mga etiketa:
boluntir's kronikels
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment