Monday, June 2, 2014

Botsi pa rin ang Tuwid na Daan

Botsi. 
Iginulong sa arina 
Ang liku-likong bituka 
Ng manok na sisirin 
Ang kumukulong mantika 

Botsi. 
Mahalang na sukang sawsawan 
Kapirasong kawayan na hawakan 
Naluto at pinalutong 
Sa kumukulong mantikang ulit-ulit nang pinagpritusan. 

Botsi. 
"Bili na kayong botsi!" malaki pa ang kailangan. 
Pangkain lang ng mga sikmurang kumakalam. 
Sumapit nga ang dilim, kakabawi pa lang. 
Pang-gastos para bukas: pagkasyahin ang sandaan. 
Lublob at pinalutong na ng mantika ng karukhaan.

No comments: